AKING HINAHANGAAN

6K 102 0
                                    

Ako'y may hinahangaan,
Maxinejiji kanyang pangalan.
Para sa 'kin s'ya'y kaibigan,
Binabahagi kanyang kaalaman.

Kakaiba s'yang manunulat,
Marahil mata ko'y mulat,
Pero isip ko'y salat.
Ito nais kong sabihin salamat.

May pag-asa pa bang ika'y makadaupang-palad?
Paghanga ko'y maari ko ng ilahad.
Gustong sabihin na ako'y mapalad,
Para sa akin 'di ka maihahalintulad.

Tulad mo ay bibihira,
Kaya para sa 'kin 'di ka maikukumpara.
Hayaan mo sila, isip nila'y nakasara,
Tandaan para sa'kin pangalan mo ay 'di mabubura.

Ano ngayon kung ika'y hambog?
Isip ko nga iyong napapasabog.
Maraming salamat sa'yong handog,
Puso't isip ko'y nagagawa mong mapakabog.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now