REQUESTED SCENE

417 6 0
                                    


NANG MALAMAN MOON SI MAXPEIN

Deib feels

Ako ay hindi mapakali,
Sa kinauupuan ayaw manatili,
Aking mga mata ikaw ang hinahanap,
Nagugulat ako sa mga nagaganap.

Sabi nila, sila ang pinakaboss ng lahat,
Ako ay bahagyang na lamang nagulat,
Mga tauhan nila sa iyo ay yumukod,
Bakit sa kanila, ikaw ay nakabukod?

Chairman Moon ang iyong lolo,
Na labis sa isip ko nagpagulo,
Nagkamali yata ko ng kinakalaban,
Ang angkan mo ay mayaman.

Lupang kinatitirikan ng ating eskuwelahan,
Isa lamang sa iyong mga kayamanan,
Ikaw ang nag-iisang apong babae ng mga Moon,
Sa buhay marami kang tinatanggap na hamon.

Ikaw ay pansamantala nilang itinakwil,
Dati mong mahal sa 'yo ay nagtaksil,
Sa paningin man ng iba bunga ka ng pagkakamali,
Pinatunayan mo, ikaw ay matapang hanggang sa huli.

NANG MALAMAN NA MAY BIPOLAR DISORDER SI YSAY

Maxpein feels

Ako ay kanilang pinaalis,
Dalawang taon nagtiis,
Napabayaan ko aking pag-aaral,
Dahil sa unang lalaking minahal.

Bumalik muli ako sa Pilipinas,
Na ngayon ay mas matatag at malakas,
Si Naih ang natatangi kong kasangga,
Kahit sino ay aming nakakabangga.

S'ya ay maganda at may lihim,
Sakit sa pag-iisip kanyang kinikim,
Kay Deib mayroon s'yang pagtingin,
Nasa akin ang kanyang paningin.

Captain s'ya ng baseball,
Sa akin s'ya ay nagpapahabol,
Naospital ako dahil sa kanya,
Pati matalik kong kaibigan dinamay n'ya.

Diploma ang nais kong masungkit,
Buhay ng aking kaibigan, nilagay n'ya sa bingit,
Pag-iisip n'ya wala na sa tino,
Aking nalaman, kasi ako ay matalino.

Oo nga propesyon nila ay kagalang~galang,
Pero sila maraming pagkukulang,
Sa pagmamahal anak nila ay nahibang,
Para kay Naih, ako'y lalaban ng buong tapang.

Silang lahat ay nagulat,
Katotohanan ay naisiwalat,
Sa akin sila ay magpapasalamat,
Dahil mga mata nila ay namulat.

PINAGKAMALANG MAG-ASAWA SINA MAXPEIN AT MAXWELL

Deib feel

Ikaw ay dinala sa pagamutan,
May sinabi ang isang nurse na di ko makalimutan,
Kaya pagkaharap s'ya iba ang iyong ngiti,
Na tila puso't damdamin mo ay kinikiliti.

Hindi ko makalimutan ang inyong pagsasayaw,
Sa isa't isa parang ayaw n'yo na bumitaw,
Si Maxwell daw ay iyong asawa,
Gusto ko sanang matawa.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now