PANALO(Deib)

641 19 0
                                    

Ngayon ika'y bumabalik,
'Di matatangging nananabik,
Ikaw rin ba'y nasasabik,
Nais ko matikman muli ang iyong halik.
Marinig lang ngalan mo,puso ko'y biglang pumitik,
Ang lahat ng nadarama sa'yo nanumbalik.
Umiibig ako sa'yo na walang patumpik-tumpik.

Gusto ko sanang magdiwang,
Pero sa puso mo kaya mayroon pang puwang,
Pag-asa ba'y magiging siwang,
Ayoko marinig ang salitang pawang.
Ngayon tayo'y nagkalinawan,
Halika na sa Palawan,
'Wag matakot sa 'ki'y matalo,
Kung alam mo lang, kanina ka pa panalo.

'Di tayo magkadikit,
Pero tayo magkalapit.
Hayaan mo muna ko magsungit,
Sa kanya 'wag ng mainggit.
Puso ko mahirap talagang masungkit,
Nawala lahat ng aking sakit.
Sa akin wala ka pang kapalit,
Dahil mamahalin kita ng paulit-ulit.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now