MAXIMOR DEL VALLE

303 2 0
                                    

Nagsisisi noon sa kanyang naging kasalanan,
Kaya ang anak na si Maxpein ay nahihirapan,
Napapatangis s'ya kapag ito'y labis na nasasaktan,
Napapangiti s'ya sa pinapakita nitong katatagan.

Sinikap ang sarili na maging mabuting magulang,
Para maibsan ang sakit ng kanyang pagkukulang,
Sa mundong kanilang ginagalawan ay may dapat isaalang-alang,
Anak na si Maxpein lumaki na may likas na tapang.

S'ya si Maximor Del Valle ang kanilang ama,
Na pinapangarap n'ya noon na makasama,
Pinagmamalaki s'ya nito kanyang nadarama,
Maxpein lumaking mabuti at winaksi ang masama.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now