TULUYANG MAAALIS (Deib)

193 7 0
                                    

Ang tagal mong nawala,
Ngayon nasa harapan nakita bigla,
Oo, mahal na mahal kita,
Pero ang aking pagtatampo ay ipapakita.

Si Kim ang aking naging sandalan,
Nagpupuno noon ng iyong kawalan,
Pero pag-ibig ko sa 'yo walang kapantay,
Limang taon naghintay ang s'yang patunay.

Pinipigilan ang aking sarili na ikaw ay yakapin,
Umiiwas muna na ikaw ay kausapin,
Nong isang araw nagtungo ka sa aming bahay,
Ating pag-uusap walang kabuhay-buhay.

Malungkot mong pinagmasdan aking paglayo,
Ikaw pa rin naroon at nanatiling nakatayo,
Masaya ako at ikaw ay bumalik,
Pero tiwala ko ay di pa ganon agad nanumbalik.

Ako ay nagawa mong tiisin,
Kaya ikaw ay di nagagawang pansinin,
Patunayan mo lang di ka na muling aalis,
Agam-agam ko ay tuluyang maaalis.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now