NAG-IISA (Deib)

530 10 0
                                    

Magulo man ating  simula,
Nagpapasalamat ika'y nakilala.
Marami mang umagos na luha,
Pag-ibig mo  naman aking nakuha.

Ilang beses mang  naghintay at nasaktan,
Puso't isip kailanman 'di ka malilimutan.
Ngayon buo nang tuparin ang pangako,
Ramdam ko na ito'y 'di na mapapako.

Sa bawat haplos mo  ramdam ang pananabik,
Walang katumbas ang iyong halik.
Saang dako man handa sa'yo sumama,
Umaapaw na ligaya ngayon aking nadarama.

Ikaw ang nag-iisa kong  Taguro,
Ako si  Sensui ang lagi mong tinutuliro.
Salamat sa pagmamahal na nagkusa,
Ngayon ay  nangangako sa puso ko,
Ikaw ang Hambog na nag-iisa.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now