S'ya ay itinuring kong tunay na apo,
Sa katunayan kami ay magkasundo,
Hanga ako sa tibay ng kanyang kalooban,
Sa aking anak na si Maze, s'ya ay lumalaban.Maxpein Zin Del Valle Moon,
Hindi uurong sa kahit anong hamon,
Kakaiba man ang kanyang katangian,
Bibilib ka sa kanyang katalinuhan.Sa martial arts ako ang kanyang naging guro,
Hindi naman ako nahirapan sa pagtuturo,
Ilang beses man s'ya madapa at bumagsak,
Luha sa kanyang mata bibihira papatak.Nagbunga ang kanyang paghihirap,
Natupad ang isa n'yang pangarap,
S'ya ang pinakamataas na rango ng emperyo,
Karangalan para sa nalagpasan mong sakripisyo.Nag-iisang prinsesa ng aming pamilya,
Makilala s'ya nagdulot sa 'kin ng saya,
Bagong yugto na ng kanyang buhay,
Sina Deib at Maxspaun ang lalong nagpakulay.
BINABASA MO ANG
My Poems For He's Into Her By: Maxinejiji
PoetryMy favorite story He's into her by Maxinejiji. Nainspired n'ya ko pag may update s'ya dalang dala ako kaya napapalikha ako ng tula. Kumbaga dama ko emosyon ng kanyang mga cast ganon katindi impact n'ya sa kin. Ang ilang tula ay spoiler sa mismong is...