NGAYON AT MAGPAKAILANMAN ( Deib)

299 6 0
                                    

Napakunot-noo ako nang s'ya ay aking makita,
Hindi ka makatingin sa aking mata,
Sino ba itong lalaki, Iba kung kumilos?
Mapapangasawa mo, nakaramdam ako ng selos.

Sa kanyang tingin, ako ay nakipagsukatan,
Totoo ba, ako nagawa mong palitan?
Agad naman kita hinila palayo sa kanya,
Baka sobrang pagpipigil di ko na makaya.

Sa kuwarto ko tayo pumasok,
Sasabog na ko sa paghihimutok,
Tayo lamang dalawa ay nagkatitigan,
Sumisidhing damdamin di ko na mapigilan.

Hinaplos ko ang iyong maamong mukha,
Sa iyong kagandahan ako'y namangha,
Ating mga mata ay sa isa't isa nakatutok,
Haplos naman natin sa isa't isa ay nakakatupok.

Matagal na ko sa 'yo na nanabik,
Walang katulad pa rin iyong halik,
Pinatunayan mo ika'y talagang akin,
Walang sinuman sa 'yo pwedeng umangkin.

Sa wakas narinig ko na mula sa'yo ang salitang "Mahal kita",
Katagang kaytagal kong hinintay aking sinta,
Ngayon hindi na kita papakawalan,
Sapagkat ikaw ang aking ngayon at magpakailanman.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now