HE'S INTO HER

187 9 0
                                    

May mga alaalang sobrang nakakamiss,
May mga eksenang mapapangiti ka ng matamis,
May mga tagpo makararamdam ka ng pagkainis,
Kanyang kaastigan walang mintis,
Sa kahambugan walang kaparis.

Eksenahang makakapus-hininga,
Mga sagutan nagpapabuntong hininga,
Sa ganda ng istorya ikaw ay mapapanganga,
Bida at manunulat nito ay kahanga-hanga,
Ang datingan kasi nila hulog na hulog sa banga.

Hindi matandaan kung kelan nag-umpisa,
Natagpuan ang sarili na nagbabasa,
Emosyon binigay nito ay di lamang iisa,
Buong mukha ko halos mamasa,
Buhay natin may iba't ibang lasa,
Tamis at pait ang dinulot nito sa mambabasa.

He's into her basahin mo man ng ulit-ulit,
Pakiramdam mo ay patuloy na masusulit,
Mga eksenang tila nakaharap ka sa pagsusulit,
Mapapangiti ka sa mga bida na may kakaibang kulit
Istoryang mahihirapan kang ipagpalit,
Sapagkat ang idinulot nito sa'tin ay walang kapalit.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now