AKING LAKAS (Deib)

184 5 0
                                    

Ikaw ay aking pinuntahan,
Napahinto ako malapit sa hagdan,
Kayong dalawa ni Randall may pinag-uusapan,
Ang inyong mukha may kaseryosohan.

Narinig ko ang salitang mahal,
Ikot ng aking mundo ay bumagal,
Hindi ko kinaya pa roon ang magtagal,
Hanggang ngayon s'ya pa rin iyong mahal.

Ganda ng aking umaga ay nawala,
Nais ko daanin ito sa pagwawala,
Sa 'yo ako ay labis naniwala,
Damdamin ko para sa 'yo ay iyong binalewala.

Ikaw ay aking nilayuan,
Tayong dalawa ay di madalas magkibuan,
Malapit na tayong magkalabuan,
Si Kim ang ginamit ko, para ika'y aking mapagtabuyan.

Sumapit ang aking kaarawan,
Ako ay iyong kinantahan,
Ipinahiya kita sa karamihan,
Ikaw muli ang naging sentro ng tawanan.

Mga luha sa iyong mukha ay lumandas,
Sa lugar na iyon, nais mong tumakas,
Tayong dalawa sa isa't isa ay kumalas,
Nang tumalikod ka na sa 'kin, nauupos na ang aking lakas.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now