Isang babae na may pagkamahinhin,
Na may katangiang maaalahanin,
Ang iba ay madalas s'yang asarin,
Pero s'ya ngigiti at positibo pa rin.Sa talino ay di s'ya masyadong biniyayaan,
Sina Naih at Maxpein ay kanyang hinahangaan,
Sa taglay na katapangan at katalinuhan,
Kailanman mga ito di s'ya hinusgahan.Anak s'ya ng artista at negosyanteng mayaman,
Michiko Tarranza ang kanyang pangalan,
Babaeng simple lamang ang kasiyahan,
Sina BJ at Migz ay kanya rin mga kaibigan.Yakiro Tobi Yanai matagal s'yang niligawan,
Ginagalang s'ya at pinagtatanggol kanino man,
Sila Maxpein at Naih s'ya ay di kailanman iniwan,
Nakatagpo s'ya ng tunay na kaibigan sa kanilang katauhan.
YOU ARE READING
My Poems For He's Into Her By: Maxinejiji
PoetryMy favorite story He's into her by Maxinejiji. Nainspired n'ya ko pag may update s'ya dalang dala ako kaya napapalikha ako ng tula. Kumbaga dama ko emosyon ng kanyang mga cast ganon katindi impact n'ya sa kin. Ang ilang tula ay spoiler sa mismong is...