DIPLOMA (Maxpein HIH season 1 and season 2)

799 22 0
                                    

Mula SIS lumipat ako ng BIS,
Lahat ng bagay aking matitiis.
Diploma akin ring makakamit,
Lakas ng loob aking gamit.

Dahil lang sa isang tingin,
Nang ako'y kanyang patirin.
Wala kong paki kung apo s'ya ng chairman,
Sino ako... iyan ayaw kong kaniyang  malaman.

Silang lahat ako'y pinagkaisahan,
Umiiwas na ko sa kaguluhan.
Tila ayaw n'ya kong tigilan,
Inis ko pilit pinipigilan.

Ako yata ang taong kaniyang  pinakaayaw,
Pero nagulat s'ya, nang ako'y sumayaw.
Hindi tumigil sa 'kin sa pang-aasar,
Hanggang sinali n'ya ko sa bilyar.

Bilyar na aking tinatakasan,
Larong aking iniiwasan.
Tadhana yata sa'kin nakikipaglaro,
Hindi pa naman ako marunong magbiro.

Libangan namin ng dati kong  mahal,
Pangalan n'ya ay  Randall.
May paborito s'yang tako,
Aking ibibigay 'yon ang pinangako.

Bagay noon nakinagalit  sa 'kin ni  Maze,
Pero sila sa'kin na amaze.
Paulit-ulit n'yang pinapaalala ang nakaraan,
Ayoko na sanang balikan.

Maraming nangyari halos ako'y bumigay,
Na pati kaibigan ko nadamay.
Dahil lamang sa kondisyon  ng isip ni Ysay,
Matalik kong kaibigan halos maagaw buhay.

Bakit napakailap sa 'kin ng diploma?
Pagkakataon ayaw sa'kin makisama.
Nagbago ang ihip ng hangin,
Madalas na n'ya ko tanungin.

Kaming dalawa pinagsama ni  Dean,
Para ang awayan namin ay tapusin.
Report naming tungkol sa bullying,
Nang matapos gumaan na rin  feeling.

Hindi ko namalayan kami nagkalapit,
Sa'kin bihira na s'ya magalit.
Nameet ko kaniyang  family,
Si Tita Lacey ay lovely.

Sinama namin s'ya sa aming isla,
Unti-unti kami nagkakilala.
Naglaro kami ng truth or dare sinabi n'ya "I dare you to love me",
Pag s'ya naman ay nagtatanong sa'kin "You'll die if i tell you".

Mga school nagkaroon ng paligsahan,
Sensui basketball ang pinagbidahan.
Nakilala ko binatang masiyahin,
My destiny tawag n'ya sa'kin.

Hindi  ko inaasahan si  Deib nagseselos,
Bagay sa'kin na hindi ko mapaniwalaan ng lubos.
Umamin s'ya na ako'y nagugustuhan,
Sa basketball ako kanyang naisahan.

Hindi  pa buo tiwala n'ya sa 'kin,
Akala n'ya si  Randall pa rin.
Ako'y biglang hindî  kinausap,
Kasagutan aking hinahanap.

Sunud-sunod ang pagsubok,
Mga tao sa buhay ko labas pasok.
Pinagtulungan ako ng grupo nina Choco,
Nadamay muli  mga tao sa paligid ko.

Si Tob  naman ang naging malubha,
Pasakit ba lagi sa 'kin nila nakukuha.
Tumakas ako nagtungo sa Korea,
Relasyon namin ni  Deib unti-unting nasira.

Sa kanyang pagtatapos ako'y dumalo,
Nagkausap man nauwi sa pagtatalo.
Nagseselos pa rin  aking Sensui,
Sa Palawan nagkaayos kaming  muli.

May bagong dumating sa aming  buhay,
Hindi  ko alam kung ano kanilang pakay.
Paboritong yate ni  lolo kanilang sinira,
Kasiyahan namin sila'y panira.

Sino nga ba kayo mga Rewis?
Buhay ko handa kong  ibuwis.
Kayo ba'y mabuti o masama?
Misyon ko makamit muna ang diploma.





Iyan po ang natatandaan kong ganap na tumatak sa kin sa season 1 and 2
Pasensya po  kung di yata sunud -sunod ang eksena😥
Hindi po kasi ako nagbabackread
Nasa isip ko na po kasi ang di ko makalimutan na eksena.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now