HE'S INTO HER

472 10 0
                                    

He's into her istoryang  hindi sadyang malilimutan,
Mga eksenang tumagos sa ating isipan,
Puso at isip sabay na malayang nag-uugnayan,
Sa daloy ng bawat kabanata nakikipagsabayan.

Namamalayan na lamang ang sarili na lumuluha,
Pakiramdam ko aking paligid ay babaha,
Puso ko kaniyang tuluyang  kinuha,
Dama ko kaniyang sapantaha.

Iba't ibang tauhan ay siyang tumatak,
Pinakabida ng istorya ay malakas ang hatak,
Kailangan mo rin paganahin ang sariling utak.
Aking luha ilang beses na nga ba pumatak.

Maxpein pinaka-astig at reyna ng hambog,
Kikilos na walang kaabog-abog,
Manunulat  nito maraming pasabog,
Sa kahusayan ay walang tatalbog.

Kaybilis lumipas ng panahon,
Iyong pinakaba sa maraming pagkakataon,
Madaragdagan pa ating samahan ngayon,
Na mas patitibayin ng marami pang taon.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα