Dati man akong isang mataba,
Kayang kaya pa rin kitang itumba,
Dahil ako ay isang maangas,
Huwag mo ko galitin, dahil mukha mo magkakabangas.Pagkilos ko ay napakaliksi,
Pero pasensya ko ay maiksi,
Kung ayaw mo mabalian ng buto,
Sa iyong kalokohan ikaw ay huminto.Hirap silang ako ay hawakan,
Pag ako nasagad, ikaw ay aking tatadyakan.
Panga nila malapit na mangalaglag,
Malaki nilang pangangatawan, kaya kong ibalibag.Hindi ako pala-imik na tao,
Kaya huwag mo alamin aking pagkatao.
Mga sinabi mo sa 'kin, iyo nang lunukin,
Pagka't aking katangian mahihirapan kang arukin.Ako si Maxpein De Valle Moon,
Kayang kaya lahat ng hamon.
Alang-alang sa aking mga minamahal,
Buhay mo hahayaan ko pang tumagal.
YOU ARE READING
My Poems For He's Into Her By: Maxinejiji
PoetryMy favorite story He's into her by Maxinejiji. Nainspired n'ya ko pag may update s'ya dalang dala ako kaya napapalikha ako ng tula. Kumbaga dama ko emosyon ng kanyang mga cast ganon katindi impact n'ya sa kin. Ang ilang tula ay spoiler sa mismong is...