Kayganda ng ating tanawin,
Titig mo kaya akong tunawin,
Kahalina-halina rito sa Palawan,
Tayo muna kaya rito ay magpaiwan.Ako sa 'yo ay bahagyang natawa,
Sa kakulitan ko ikaw ba ay nahahawa,
Isang tulad mo ay takot pala sa isda,
Sa aking mga mata ikaw ang bida.Ating mga labi ay naglapat,
Damdamin ko sa'yo ay tapat,
Ang labi mo ay sobrang lambot,
Aking kasiyahan hanggang langit ay abot.Tayo ay namahinga at naglaro,
Iyong mga kapatid atin ring kalaro,
Nagkatuwaan tayo sa truth or dare,
Buo aking loob sabihin na "I dare you to love me."Sumilay sa iyong labi ang isang ngiti,
Tuloy ang aking puso ay kinikiliti,
Sakit ng kahapon ay ating hihilumin,
Ikaw na ang nag-iisang laman ng aking damdamin.
YOU ARE READING
My Poems For He's Into Her By: Maxinejiji
PoetryMy favorite story He's into her by Maxinejiji. Nainspired n'ya ko pag may update s'ya dalang dala ako kaya napapalikha ako ng tula. Kumbaga dama ko emosyon ng kanyang mga cast ganon katindi impact n'ya sa kin. Ang ilang tula ay spoiler sa mismong is...