Kami ay patuloy na dumarami,
Kada update n'ya, utak namin ay di mapirmi,
Jijera at jijero kung kami ay tawagin,
Mga patakaran wag nating labagin.Kanyang mga natatanging istorya,
Nagdulot sa 'min ng lungkot at saya,
Mga eksenang nakakapukaw damdamin,
Maraming bagay na nais ng alamin.Nagkakilala man kami sa modernong teknolohiya,
Sa puso namin ay nagbigay ng ligaya,
Kaming lahat ay masugid n'yang tagasuporta,
Pagpapahalaga n'ya sa 'min ay inyong makikita.Kakulitan namin ay sadyang nakakahawa,
Matatagpuan ang sarili na natatawa,
Sa kanyang istorya kami ay di magsasawa,
Asahan mo aabangan namin ang iyong mga gawa.
BINABASA MO ANG
My Poems For He's Into Her By: Maxinejiji
PoetryMy favorite story He's into her by Maxinejiji. Nainspired n'ya ko pag may update s'ya dalang dala ako kaya napapalikha ako ng tula. Kumbaga dama ko emosyon ng kanyang mga cast ganon katindi impact n'ya sa kin. Ang ilang tula ay spoiler sa mismong is...