PAG-IBIG KO'Y SA'YO (Deib feels)

2K 55 0
                                    

Simula nang makita ka,
Ako'y labis na nagtaka,
Puso ko'y iba agad ang tibok,
Pag-ibig na ba ito na s'yang naghihimok?

Pilit tinataliwas ang damdamin,
Pero bibig 'di kayang kabigin.
Bawat salitang aking sasambitin,
Tila laging kulang at bitin.

Puso ko'y urong-sulong,
Pag-ibig ko ba sa 'yo'y isusulong?
'Di ko na kailangan ng ibang tulong,
Ikaw lang sapat na, kahit pa ito'y pabulong.

'Di man ako kasing lakas nila,
Pero sa damdamin ko walang wala sila.
'Di mo  man magawang makita,
Handa akong  patunayan sinta.

Pagsubok na walang patid,
Sakit ang s'yang hatid.
Luha  mo  ako ang magpapahid,
Hanggang sakit mo'y tuluyang mamanhid.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now