TUNAY (Maxpein)

818 23 0
                                    

Bagamat ako'y naiilang,
Batid ang pagkukulang.
Sa'yo'y labis na nangungulila,
Bagay na 'di ko kinakaila.

Malamig ang iyong pakikitungo,
Wala nang magawa kundi ang tumango.
Masakit man ang magpanggap,
Ako'y balewala na,pilit kong tinatanggap.

Dati ako ang pinapasaya,
Ngayo'y kasama mo s'ya,
Inaamin 'di ko kaya,
Damdamin bibigyang laya,
Handa na ba ko magparaya?

Limang taon na nagkawalay,
Puso nati'y halos bumigay.
Ating pagtatagpo,aking hinintay,
Ako pa ba'y mahal mong tunay?

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now