MAGHIHILOM (Deib feels)

948 30 0
                                    

Kakaiba kanyang awra,
Noo'y 'di ko maikumpara,
Pakiusap mata mo'y 'wag isara,
Puso ko'y tila may bumabara.

Hanggang kailan ako magugulat?
Lahat na ba'y naisiwalat?
Pero kaisipan ko'y nananatiling salat,
Hanggang dito na lamang ba ang lahat?

Bibig nila'y nakatikom,
'Di ko alam... bakit hukom?
Dibdib ko'y tinusok ng karayom,
Puso ko pa ba'y maghihilom?

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now