Ako ay kanilang pinaalis,
Dalawang taon nagtiis,
Napabayaan ko aking pag-aaral,
Dahil sa unang lalaking minahal.Bumalik muli ako sa Pilipinas,
Na ngayon ay mas matatag at malakas,
Si Naih ang natatangi kong kasangga,
Kahit sino ay aming nakakabangga.S'ya ay maganda at may lihim,
Sakit sa pag-iisip kanyang kinikim,
Kay Deib mayroon s'yang pagtingin,
Nasa akin ang kanyang paningin.Captain s'ya ng baseball,
Sa akin s'ya ay nagpapahabol,
Naospital ako dahil sa kanya,
Pati matalik kong kaibigan dinamay n'ya.Diploma ang nais kong masungkit,
Buhay ng aking kaibigan, nilagay n'ya sa bingit,
Pag-iisip n'ya wala na sa tino,
Aking nalaman, kasi ako ay matalino.Oo nga propesyon nila ay kagalang~galang,
Pero sila maraming pagkukulang,
Sa pagmamahal anak nila ay nahibang,
Para kay Naih, ako'y lalaban ng buong tapang.Silang lahat ay nagulat,
Katotohanan ay naisiwalat,
Sa akin sila ay magpapasalamat,
Dahil mga mata nila ay namulat.
YOU ARE READING
My Poems For He's Into Her By: Maxinejiji
PoetryMy favorite story He's into her by Maxinejiji. Nainspired n'ya ko pag may update s'ya dalang dala ako kaya napapalikha ako ng tula. Kumbaga dama ko emosyon ng kanyang mga cast ganon katindi impact n'ya sa kin. Ang ilang tula ay spoiler sa mismong is...