Kakatapos lang ng munti namin kasiyahan,
Muli ay nagsimula ang kaguluhan,
Mallyu, Yago, Choco kami ay pinagkaisahan,
Si Tob ang isa sa napuruhan.Halos lahat kami ay dinala sa pagamutan,
Isang pangyayari na di ko malilimutan,
May nabunyag mula sa nakaraan,
Kaya pala aming pagmamahalan ni Randall ay kanilang hinadlangan.Pakiramdam ko, ako ang dapat sisihin,
Sarili ko ay hirap ko ng intindihin,
Lungkot at lumbay akin na namang titiisin,
Mga nadarama akin muling sasarilihin.Ako ay umalis na walang paalam,
Tanging pamilya ko lang ang nakakaalam,
Si Deib sa 'kin ay nagdamdam,
Aayusin ko mag-isa aking mga dinaramdam.Ilang mensahe sa 'kin kanyang pinadadala,
Sa 'king telepono ako ay natulala,
Ako rin ay nangungulila,
Na di ko naman kinakaila.Sa kanyang pagtatapos ako ay dumalo,
Nararamdaman namin ay halo-halo,
Sa 'kin, s'ya ay nagtampo,
Nagpapasalamat sa 'kin ay di pa s'ya nahahapo.
YOU ARE READING
My Poems For He's Into Her By: Maxinejiji
PoetryMy favorite story He's into her by Maxinejiji. Nainspired n'ya ko pag may update s'ya dalang dala ako kaya napapalikha ako ng tula. Kumbaga dama ko emosyon ng kanyang mga cast ganon katindi impact n'ya sa kin. Ang ilang tula ay spoiler sa mismong is...