PALABAN(Maxpein)

1.6K 44 0
                                    

Ako'y kanilang kinaiilagan,
'Di ko tinatanggi na ako'y palaban.
Lalo na't pamilya ko't kaibigan,
ang s'yang pinag-uusapan.

Mundo nati'y mapagbalatkayo,
Kaya ako na unang lalayo,
Lahat tayo'y may tinatago.

Ako rin ay may kahinaan,
Ako rin ay nasasaktan,
Tanong wala ba kong karapatan?

Mga matang mapanghusga,
Akala mo'y sila'y may ibubuga,
Kaya humarap sa salamin, bago ka sa'ki'y bumangga.

'Di bakal ang puso ko,
Kung ang makina nga nahahapo.
Alam ko kung kailan ako susuko,
Pag ang kanilang ganid ay tuluyang nagapo.

'Di sapat ang nakikita lang ng iyong mga mata,
Paano naman, puso mo na dumidikta.
Kahit ako'y malakas sa lahat ng aspeto,
Lahat ng iyon ay bumabagal, pag tayo'y pinag-uusapan at humihinto.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon