S'YA LANG (Deib)

473 8 0
                                    

Hindi ko na matandaan kailan nagsimula,
Kanyang kakaibang lakas saan ba nagmumula?
Walang ekspresyon ang kanyang mukha,
Pag-uugali n'ya hirap ako makuha.

S'ya ay may pagkapilosopo,
Ibang klase pa kung maupo,
Sa galing n'ya ako ay namangha,
Ewan ko ba ako yata kanyang namahika.

Aking nararamdaman ay kinakaila,
Hanggang sa s'ya ay aking ganap na nakilala,
Puso ko ay kumirot at sa kanya ay naawa,
Pakiramdam ko tulungan s'ya hirap akong magawa.

Dumating sa puntong sa sarili akin rin naamin,
Sa kanya... ako ay may kakaiba ng damdamin,
Sugat sa puso ng isa't isa aming gagamutin,
Pagmamahal n'ya magagawa ko rin kamtin.

Hindi naman ako nabigo,
Marami sa amin nagbago,
Sa kanya ako ay nangako,
Na habang nabubuhay, s'ya lang ang mamahalin ko.

My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now