Maxpein feel be like
Nababanaag ko sa kanilang mga mukha,
Ang gulat at matinding pagkamangha,
Emosyon sa aking mata ay di nila makuha,
Noong una pinagkamalan nila kong dukha.Aming mga landas sadyang pinagtagpo,
Oo na, ibang klase kung ako'y maupo,
Ang angas ko ay kasinglakas ng ipo-ipo,
Sa aking bibig di mo madalas maririnig ang opo.Inyong tingin sa akin ay isang bastos,
Minsan, iba rin ako kung mag-utos,
Sa akin huwag kang makikipagtuos,
Pagkat sa sahig ka malamang dudusdos.Kahit ano pa ang itawag ninyo sa akin,
Hindi ninyo magagaya aking mga angkin,
Para sa mga minamahal ko lahat aking hahamakin,
Sila lamang ang aking kahinaan at kaya akong paiyakin.
YOU ARE READING
My Poems For He's Into Her By: Maxinejiji
PoetryMy favorite story He's into her by Maxinejiji. Nainspired n'ya ko pag may update s'ya dalang dala ako kaya napapalikha ako ng tula. Kumbaga dama ko emosyon ng kanyang mga cast ganon katindi impact n'ya sa kin. Ang ilang tula ay spoiler sa mismong is...