PUNAN (Maze)

672 26 0
                                    

Kay Maxpein ako'y ubod ng istrikta,
Pagmamahal ko sa kanya 'di n'ya nakikita.
Nais ko s'yang suyuin at yakapin,
Pero kailangan namin s'yang patatagin.

Una n'yang pag-ibig aking hinadlangan,
Pag-layuin sila'y aking ginawa dahil kinakailangan.
Kahit sa paningin n'ya,ako'y maging kasuklam-suklam,
Dahilan ko,ako at si Heurt ang nakakaalam.

'Di man s'ya galing sa aking sinapupunan,
Pagmamahal ng isang ina handa kong punan.
Emosyon ko kailangan kong pigilin,
Kakayanin kahit 'di na n'ya ko galangin.

'Di s'ya takot umilag sa bala,
Kaligtasan n'ya para sa kanya'y balewala.
Kami pa rin ang s'yang inuuna,
Nag-aalala ako bilang pangalawang ina.

Lihim ko s'yang hinahangaan,
Pag-aaral minsan n'yang pinabayaan.
Pero sa aming pamilya s'ya ang prinsesa,
Walang tatalo,para sa'ki'y nag-iisa.

Sa pagsubok 'di s'ya nagpatinag,
Lungkot sa kanyang mata aking aninag.
Sa'kin marami na s'yang napatunayan,
Bagay na kailanman 'di ko mapapantayan.

Sa amin s'ya'y isang biyaya,
Para sa amin lahat kanyang kinaya.
Oo nga sa paningin n'yo isa s'yang hambog,
'Di n'yo alam,buhay kaya n'yang ialay na walang kaabog-abog.


My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiWhere stories live. Discover now