PALAWAN

264 3 0
                                    

Deib feel be like

Ang magandang isla n'yo sa Palawan,
Lugar kung saan kita unang sinundan,
Kahit pa ang paa ko ay medyo napilayan,
Sarili ko hindi na kaya pang pigilan.

Ika'y nahihimbing ng aking maabutan,
Nakangiti kitang pinagmamasdan,
Doon  ay malaya kitang natitigan,
Nabibighani ako lalo sa 'yong kagandahan.

Sa lahat ng aking nagawa ay walang pinagsisihan,
Kahit pa ako'y hindi mo agad pinaniwalaan,
Ating mga pinagsaluhan dito di ko nalilimutan,
Lalo na nang unang beses kitang nahagkan.

Marami tayong alaala rito na pinagsaluhan,
Kung saan tayo nagkaayos matapos ng tampuhan,
Dito rin natin ipinagdiwang ang iyong kaarawan,
At higit sa lahat dito kita niyayang ako'y pakasalan.



My Poems For He's Into Her By: MaxinejijiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon