Chapter 1

676 27 12
                                    

Kenneth's POV

Nagmulat ang mga mata ko nang marinig ang alarm ng phone ko.

I sigh heavily....

Yung eksena na iyon na naman ang napanaginipan ko. Dalawang taon na yun Kenneth, kalimutan mo na siya, for sure nakalimutan ka na rin niya.

I stared blankly at the ceiling until a glimpse of her image suddenly come across my mind.

Tumayo na ako, nagpunta sa banyo at naghilamos. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

" Kenneth hindi ka pa ba naka move on? Kenneth naman oh.... Huwag mo namang pahirapan ang sarili mo. May girlfriend ka na, siya na lang ang panaginipan mo at sa gwapo mong yan." sabay turo sa sariling reflection. "Dapat siya ang hindi maka-move on sayo. Siya ang nawalan ng isang matipuno, gwapo at sobrang hot na lalaking katulad mo, kaya nga ang swerte ni Tracey sayo oh... Saan ba siya makakita ng Full Package na katulad mo."

Huminga ulit ako ng malalim...

"Kaya dapat siya ang nanaginip sayo at hindi dapat baliktad. Tandaan mo yan."

Nagulat na lang ako nang may magsalita sa may pintuan ng kwarto ko.

"Sus Kuya ha... Kinakausap mo naman ang sarili mo." sabi ni Kensha, ang bunso at nag-iisang babae sa aming magkakapatid.

"Bakit hindi ka man lang kumatok" senyas ko sa kanya.

"Eehhh... bukas naman ang pinto plus it's fun to watch you talking to yourself & kanina ka pa tinatawag ni Mommy, so hurry up so that we can have our breakfast na" sagot niya.

"Oh sha, susunod na lang ako"

Tumango lang siya at bumaba na. Naligo na ako at nagbihis, pagkatapos ay bumaba na ako papuntang dining table.

Nagdasal muna kami bago kumain. Pagkatapos kumain ay bumalik ako ng kwarto para mag-ayos. Pagkababa ko ay bumungad agad ang pagmumukha ni Kent.

"Oh...Kenneth saan ba ang punta mo at parang bihis na bihis ka ah?" tanong ni Kent ang panganay kong kapatid

"Saan naman ang lakad mo anak?" dagdag ni Papa.

"Pa sasamahan ko lang po si Tracey mamimili ng mga gamit at libro sa bookstore" sagot ko

"Ganun ba anak sige, drive safely & take care. Pakibati na rin kay Tracey" bungad ni Mama.

"Sige po Ma,Pa. I have to go." at pumasok na sa garage. Bubuksan ko na sana ang pinto ng sasakyan ko nang magvibrate ang phone ko. Pagkuha ko ng phone ko ay bumungad ang pangalan ni Tracey na tumatawag, agad-agad kong sinagot ito.

"Hello Ken" sabi ni Tracey sa kabilang linya.

"Hello Trace, susunduin na kita diyan sa bahay niyo."

"Actually tumawag ako sayo to tell you na nandito na ako sa mall, at dito na lang tayo mag-meet."

"Trace naman, diba sabi ko sayo kahapon susunduin kita."

"I know but limited edition kasi ang book na'to baka kasi maubusan ako, kaya maaga na akong pumunta."

"Baka naman ayaw mo talagang sunduin kita sa bahay niyo." sabi ko habang ginagamit ang boses kong nanglalambing at nakapout.

Will Two Hearts, Beat For One Reason?Where stories live. Discover now