Chapter 21

186 12 23
                                    

Audrey's POV

Mga 2 p.m na at out na namin nina Brenda Mae at Andrew sa cafe. Hay salamat at makakain na rin kami ng lunch. Habang palabas kami ng cafe ay nag-aya si Brenda Mae na mag-lunch.

"Guys sa McDo tayo mag-lunch na." aya ni Brenda Mae.

"Sure ka? Sasama ako kapag ikaw ang manglilibre." sagot ni Andrew.

"Oh, sure. Sagot ko lahat ng kakainin niyo."

"Naks naman ni Brenda Mae oh. Nanalo ka sa lotto noh."

"Ano ka ba Audrey, hindi ako tumataya sa lotto noh. Oh ano? Sasama ba kayo o hindi, paminsan-minsan pa lang naman ako mag-oofer ng ganito."

"Dahil minsan lang maging santo tong si Brenda Mae ay sasama ako. Basta wala kahit piso akong mawawaldas."

"Sama rin ako." insert ni Andrew.

"Kaya tara na." sigaw ni Brenda Mae

Pagdating namin sa McDo ay pumila na kami. Habang si Brenda Mae ay lumilingon kung saan-saan na para bang hindi mapakali.

"Hoy Brenda Mae parang hindi ka yata mapakali dyan. Ano? Nagdadalawang-isip ka na ililibre mo kami noh." sabi ni Andrew.

"Hindi ah." sagot ni Brenda Mae.

"So okay lang na kung marami ang i-order, gutom na gutom na kasi ako eh." dagdag na ni Andrew.

"Oo kahit ano diyan. Guys CR muna ako ha. Paki order nalang ng chicken fillet with fries para sa'kin."

"Hoy Brenda Mae, baka tinatakasan mo na kami ha. Wala pa naman akong dalang pera." sabi ni Andrew na naka-pout.

"Tse ka nga diyan Andrew. Sinabi na ako nga yung magbabayad di ba, wag ka ngang ano diyan." at lumakad na paalis si Brenda Mae.

Pagkalipas ng ilang minuto ay bumalik na si Brenda Mae at timing rin na kami na yung susunod na oorder. Pagkatapos naming umorder ay binayaran na ni Brenda Mae ang mga inorder namin. Then umupo na kami. Habang kumakain ay nagkwekwentuhan kami nang may biglang dumating na Demonyo.

"Oh Audrey nandito pala kayo. Wah... What a coincidence, by the way pwedeng makishare ng table, wala na kasing vacant eh."

"Pwede mo ka namang maghintay diyan hanggang may matapos kumain o kapag tapos na kami di ba." sarcastic kong sabi.

"Audrey, paupuin mo na lang. Since kasya pa naman. Aaahhh... Ano, Demon, umupo ka na sa tabi ni Andrew." Brenda Mae naman oh, bakit mo pa pina-upo ang Demonyong yan dito...😡😡😡

"Audrey dont worry, kakain lang naman ako. Promise hindi kita guguluhin while kumakain tayo. And one more thing its Damion, Dem-yon. Natatawa lang kasi ako kapag naririnig ko na Demon yung pangalan ko." sabay tawa ng Demonyo at nagsimula na niyang kainin ang plato, este yung mga pagkain sa plato niya.

Tahimik lang kaming kumakain, hanggang sa napadpad ang tingin ko kay Demonyo na nakangiting tumitingin sa'kin habang kumakain. Napaka-weirdo at manyakis talaga ng pagmumukha ng isang to.

"Waaahhh.... Nabusog talaga ako. Salamat sa libre Brenda Mae ha." sabi ni Andrew. "Siya nga pala, bakit ka ba nanglibre, hindi pa naman sweldo natin ah."

"Oo nga, bakit nga ba Brenda Mae?" tumingin ako sa kanya at nginitan niya lang ako, hindi lang basta ngiti, weird na ngiti. Nahawa na yata to kay Demonyo. "Sa susunod ako naman ang babawi." dagdag ko.

"Actually guys, kay Demon este Damion dapat kayo magpasalamat. Siya ang gumastos ng lahat ng kinain natin." at huminga ng malalim si Brenda Mae, tumingin siya at nag-peace sign sabay "Sorry".

Will Two Hearts, Beat For One Reason?Where stories live. Discover now