Chapter 15

140 13 3
                                    

Rovin's POV

Papara na sana siya ng taxi when I grab her wrist, & gently pull her towards my motorbike. Pinasuot ko sa kanya ang extra helmet. "Saan ang bahay niyo. Hatid na kita." I said casually.

Umangkas na ako sa motor, pero hindi pa rin siya kumikobo. "Hey." sabay tapik sa kanya. "Angkas na."

"No thanks, but magtataxi nalang ako." she then return the helmet.

"Sakay na sabi, Im pretty sure delikado na ngayon, gabi na oh."  hinila ko na siya palapit sa'kin. "Stubborn as always huh ." I paused for a while. "Angkas na." at sumunod naman siya sa demand ko. Paaandarin ko na sana ang motor ko pero I notice na hindi siya kumapit sa'kin. Kaya I place her arms sa may bewang ko at biglang tumibok ng malakas ang puso ko, it is beating for her. Napangiti nalang ako, she never failed to make me feel like this.

Audrey's POV

Pagkababa namin sa carousel ay nagpunta kami ng Horror house. Pero pagkalabas namin ay nadismaya ako, hindi naman masyadong nakakatakot.

"Ang lame naman ng Horror House nila, hindi man lang ako natakot." huminga ako ng malalim. Tumingin ako sa likuran at nakita ko sina Drakola at Demonyo na namumutla at hingal ng hingal. "Oh, anong nangyari sa inyong dalawa. Huwag niyong sabihin natakot kayo sa loob."

"Hindi ah...si Fernandez tong sigaw ng sigaw sa loob." sagot ni Demonyo.

"Anong ako?Eh, ikaw nga tong sigaw ng sigaw especially nung hinabol na tayo ni Valak." depensa naman ni Drakola. "Daig mo pa ang mga babae at bakla nong sumigaw ka."

"Ikaw kaya yung sigaw ng sigaw."

"Tama na nga yan. Para kayong mga bata. Eh hindi naman nakakatakot yung horror house." at nag-cross arms ako.

"Anong hindi!" sabay nilang sigaw.

"So natakot talaga kayo?" at tinaas ko ang isang kilay ko.

"Hindi ah!" sabay na naman sila at umiwas ng tingin. Ang sarap pang-untugin tong mga baklang to.

"Okay, saan ang susunod nating destinasyon?" tanong ko.

"Drey photobooth muna tayo." sabi ni Drakola sabay nguso doon sa kinaroroonan ng photobooth at tumango nalang ako.

Pumasok na kami sa booth, six pictures lang for 5 pesos. Kaya tidadalawang pic kaming tatlo. Pose lang kami ng pose after every shot.

Pagkalabas namin ay dinistribute namin ang mga pic.

Zack's POV

Pinili ko ang pic na nagpe-peace sign kami at nagwawacky. Ang kay Drey naman yung nakangiti lang kami at yung ginamit niya yung mga daliri niya para lagyan ng sungay si Damion at panga naman yung akin at kay Damion naman yung 1st shot namin yung moment na parang stolen kasi biglang nagclick nalang yung camera tapos hindi pa kami handa at yung last shot na hindi ko nakita kung ano ang laman ng picture.

Around 6 ay pumunta kami sa may ferris wheel kaso ang haba ng pila kaya naisipan muna naming kumain mas mabuti na kumain muna habang hindi masyadong mahaba ang pila sa mga food stalls. Pagkatapos maka order ng mga pagkain ay tumungo na kami sa bakanteng table.

"Guys, salamat talaga ha." biglang sabi ni Drey habang kumakain kami.

"Ano kaba Drey, wala yun. Its my job to make my bestfriend happy." sagot ko sabay gulo sa buhok niya.

"Oh ano, hindi kana badtrip sa'min?" tanong ni Damion.

"Hindi na, salamat talaga sa inyo. Both of you made my day." at ngumiti si Drey.

"Alam mo mas bagay sayo kapag nakangiti ka." at nambola na naman si Luna.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa may ferris wheel kaunti nalang ang pumipila kaya pumila na kami. Mukhang excited masyado si Drey kasi hindi talaga naalis ang ngiti niya. Para talaga siyang bumalik sa pagkabata, yung batang ang babaw lang ng kasiyahan. Hindi ako inakala na aabot ang friendship namin ng ganito ka tagal but look at us ang tagal na namin.

Turn na namin para sumakay na sa ferris wheel. Pagkasakay namin ay magkatabi kami ni Drey at sa other side naman si Luna. After ng ilang minuto ay umikot na ang ferris wheel.

Hindi ko mapigilang mamangha sa view sa taas. Gabi na kaya ang ganda pagmasdan ang mga city lights. Ang lamig ng simoy ng hangin sa itaas kaya ang sarap sa pakiramdam. Lumingon ako kay Drey, she looks really really happy kaya napangiti nalang ako, whenever I'm with her hindi ko talagang mapigilang mapangiti at maging masaya. Kaya nga hindi rin ako pumunta dito sa Carnival last year kasi hindi ko siya kasama at alam kong may kulang kapag hindi ko siya kasama.

~Flashback~

Alam kong nagsira na ang Carnival nong gabing yun pero hinintay ko pa rin si Drey sa tapat ng gate nila. Hindi na nga ako sumama sa mga ka-teammates ko kasi mas gusto kong kasama si Drey sa Carnival. After ng ilang oras ay nakita ko si Drey na naglalakad. Balak ko sanang gulatin siya kaya nagtago ako sa may halamanan. Gugulatin ko na sana siya pero napansin kong umiiyak siya. Pinagmasdan ko nalang na pumasok siya sa bahay nila. That was the first time na nakita ko na umiyak siya, kaya I swear na sa susunod na year ay isasama ko na talaga siya sa Carnival because seeing her cry made me feel sad as well, hindi ko lang alam kung bakit pero one thing is for sure na I dont want to see her cry once more.

~End of Flashback~

Kaya nga this time pinakausapan ko talaga si Brenda Mae na huwag umabsent sa trabaho para kay Drey.
Nakangiti pa rin si Drey & wont let anyone to make that smile disappear from her. Im gonna be right by her side to always cheer her up.

Damion's POV

Nakita kong tumingin si Zack kay Audrey at ngumiti pa ang mokong. To be honest nakakahawa talaga ang ngiti ni Audrey. Kaya Zack ang swerte mo na gusto ka ng taong katulad niya. Bakit ba kasi ang manhid mo Zack para hindi mo man lang maramdaman na gusto ka ng tao. Tinignan ko ulit si Audrey at when our eyes met ay ngumiti siya sa'kin. That made my heart beat race, puchang puso naman oh. I've dated a lot of girls pero ito yung first time na tumibok ng ganito kalakas ang puso ko. Kaya Damion make sure na pigilan mo kung ano man ang nararamdaman mo hanggang maaga pa. Goal mo naman lang na mapaselos si Zack para ma-confirm na may nararamdaman siya para kay Audrey, para mauuwian na sa kasalan ang mag-bestfriend nato.
Huminga nalang ako ng malalim.

Pagkababa namin sa ferris wheel ay inakbayan kaming dalawa ni Audrey, at tumibok na naman ng malakas ang puso ko. Audrey naman konting distansya naman oh. Namasyal pa kami nang makakita si Audrey ng stuffed toy na Charmander ay kumikinang kaagad ang mga mata niya kaya no choice kami ni Zack kundi laruin ang game para makuha ang stuffed toy at buti nalang parang mini basketball lang ang lalaruin namin kaya sisiw lang to sa'min. Isang ring lang pinaglaruan namin ni Zack tapos nagtulungan kaming i-shoot ang mga bola.

Tuwang-tuwa si Audrey nong napanalunan namin ang stuffed toy, I cant believe na despite her amazona personality ay may cute childish side siya.

It was around 8 pm na naisipan naming umuwi na. Same position pa rin ako ang nagdrive, si Zack sa front seat at si Audrey naman sa backseat, nakahiga siya at natutulog, tinignan ko siya mirror at ang himbing at peaceful niyang matulog, napangiti nalang ako habang pinagmamasdan siya. How many times did she made me smile today? Punyetang puso naman oh, bakit sa dinami-daming babae sa mundo ay si Audrey pa?

…………………………………………………

Still sorry for the typos & errors. And sorry if this Chapter came short 😅.

Dont forget to Vote & Comment & please keep supporting W2HBF1R

Kawii_reader signing off 💖 💖 💖

Will Two Hearts, Beat For One Reason?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon