Chapter 23

156 12 12
                                    

Zack's POV

Finally POV ko na rin, after the long wait.

Habang nasa kuwarto ni K ang mga girls ay kami naman ni Jarold ay naglalaro ng video games habang si Ken ay nasa couch nagbabasa ng The Writer's Name ni Myz_messy, nahawa yata sa pagka-bookworm ng girlfriend niya at ni K. Ang mga parents namin naman ay nasa labas nagbarbeque kasama sina Kuya Kyler, Kuya Kent at Ate Kyiesha. Habang ang mga bata naman ay nasa sa movie room nanonood ng Emoji Movie.

For the 6th time natalo na naman ako ni Jarold. Like What the F, 5 years younger tong si Jarold pero hindi ko matalo-talo sa video games. I sighed heavily.

"Ang boring naman." reklamo ko.

"Oo Kuya Zack, ang boring mong kalaro." sabi ni Jarold at tumayo siya.

"Oh! Saan ka pupunta? Maglalaro pa tayo."

"No thanks. Kahit si Gab kaya kang talunin. Manonood nalang ako ng Emoji Movie." at nakapamulsa pang lumakad si Jarold.

"Psshhhh.... Pacool-cool pa talaga siyang lumakad." napatingin ako kay Ken na patuloy pa rin sa pagbabasa ng libro. "Ken!" tawag ko pero hindi ako pinansin. "Pssttt....Ken." "Hoy Ken!" "Kenneth Kaidyn Lee!" ayaw mo talaga akong pansinin ah. Tumayo ako at kinuha ko ang libro na binabasa niya at finally pinansin rin ako.

"Ano ba Zackary Drake Fernandez!" sigaw niya.

"Woah Chill..."

"Ibalik mo na nga yan. Hindi pa ako tapos magbasa."

"Laro naman tayo. Ang boring kasi eh."

"Ayaw ko & that's final kaya huwag mo na akong pilitin at tsaka akin na nga yan." dahil mabait ako ay binigay ko na sa kanya ang libro niya.

Huminga ako ng malalim. "What's up with you people. Wala ba kayong essence of fun. Like come on, after 2 long years ngayon lang tayo nagka-family dinner ulit tapos ginaganito niyo ang gabing ito. Hayyy...."

"Alam mo para kang tanga diyan, eh tayong dalawa lang naman ang nandito, it's like mare-reach ng boses mo ang iba." Ken said while reading his book.

Narinig kong tumatawa ang mga girls sa itaas. And that give me an idea.

"Hoy Ken! Puntahan kaya natin ang girls sa itaas."

"Bad idea. Let them have some girl time."

"Sa labas lang naman tayo ng kuwarto, makikinig lang tayo kung ano ang pinag-uusapan nila."

"Huwag mo akong idamay sa mga kalokohan mo Zackary."

Narinig kong nagtitilian ang mga girls sa itaas.

"Narinig mo yun. Baka kung ano-ano na ang pinag-uusapan nila. Baka pinakilala o pinapakita na ni K ang mga picture ng mga lalaki na naka-fling niya sa London o baka boyfriend niya."

Sinirado ni Ken ang libro, & that made me grin. Hahaha...huli ka.

Pagkaabot namin sa may pintuan ay tinapat ko ang tenga ko sa pintuan.
At may naririnig akong tili.

Kyra's POV

Nanonood kaming mga girls ng Disqualified Heroine, ang gwagwapo talaga nina Rita-kun at Kousuke-kun.

"Rita malabs ang gwapo mo talaga!" sigaw ko.

"Oo nga K bagay kayo, tapos kami naman ni Kousuke." Crizel said.

"Ouh. Ba't ang tahimik mo yata diyan Audrey." at nagtinginan kami kay Couzie sa sinabi ni Sofia.

"Wala lang, hindi ko naman talaga genre ang RomCom na movie kagaya ni Drakola. Mas gusto ko yung Action, Thriller o kaya Horror." sagot ni Couzie

Will Two Hearts, Beat For One Reason?Where stories live. Discover now