Chapter 14

164 13 6
                                    

Kenneth's POV

"Trace!" "Ken!" sabay naming sigaw ni Trace. Tumingin ako kay K. "Magkakilala kayo?" sabay na naman naming tanong. Bumalik ako ng tingin kay Trace. "Oo, magkakilala kami." sabay naman naming sagot.

Tinignan ko ulit si K. "Ahm.. K, si Trace pala, girlfriend ko." lumingon ako kay Trace. "Trace, si Kyra, bestfriend ko."

"Finally, na meet na kita." at ngumiti si K kay Trace.

"How come walang nakwento si Ken sa'kin about sa'yo. But anyways nice to meet you too Kyra. Sige, una na ako." at magwa-wave na sana si Trace nang magsalita si Kyra.

"Wait, Ken samahan mo na si Tracey." insist ni K.

"Paano ka, ako pa naman ang nag aya sa'yo dito tapos ako pa ang mang-iiwan."

"Okay lang ako, ano ka ba, sabay nalang tayong uuwi, i-meet mo na lang ako sa may parking lot around 6:30." nagthumbs-up siya at lumakad  na paalis.

Humarap ako at naglakad patungo kay Trace."How come hindi mo na-kwento si Kyra sa'kin Ken?" tanong niya.

"Ah eh, kasi hindi kami in good terms noon." sagot ko at tumango nalang siya.

"By the way, siya yung babae na na-meet ko sa mall, yung nagsauli sa book ko. Cant believe na same thing happened earlier na I left my book again & coincidence din na siya ang nagsauli." ngumiti nalang ako. So my hunch was right, na si K yung narinig ko sa phone that time. Cant believe na that time tumitibok talaga ng malakas ang puso ko nung marinig ko ang boses niya. My heart still beats for her, but sad to say na hanggang magkaibigan lang talaga kami kasi nandito na si Tracey.

"Tracey nandiyan ka lang pala, kanina ka pa namin hinahanap ni Leizel." sabi ng kadadating na si Levis.

"Sorry talaga guys, kasi naman.." hindi natuloy ang sinabi ni Trace ng tawagin siya ni Leizel.

"Excuse us muna Kenneth ha, may pag-uusapan muna kami." sabi ni Leizel at duminstansya silang tatlo sa kinaroroonan ko.

Tracey's POV

"Trace naman, akala ko ba bonding muna tayong tatlo. Bakit nandito si Kenneth."

"Guys, coincidence lang na nandito si Ken. Hindi ko naman sinasadya na destined na magkita kami dito." sagot ko sa kanila. "Enjoy nalang kayo guys, sasamahan ko muna si Ken."

"What!! Akala ko ba na napag-usapan na natin to, na mag-eenjoy tayong tatlo." suway ni Leizel sa'kin.

"Magsasama naman tayo bukas, I just want to spend more quality time with Ken, before you know na."

"Pero Tracey naman oh, hindi ka nga namin kasama dito last year pati ba rin ngayon." Levis said.

"Okay, what if isama nalang natin si Ken. Magbonding tayong tatlo with him. Game." at nagthumbs up ako.

"Bahala ka nga diyan." naglakad na si Leizel palayo at sumunod naman si Levis.

Lumapit ako kay Ken at ngumiti. "Tara na." & I hold his hand at nag stroll na kami sa Carnival.

Rovin's POV

Habang nasa may terrace ako ng condo ko ay may napansin akong mga ilaw with loud music sa may cliff part sa ilang kilometro mula sa condo ko. Tutal ang boring dito ay naisipan ko na lang na mamasyal muna.

Bumaba ako papuntang parking lot at umangkas na sa motor ko, mas mabuti na motor na lang ang dalhin ko kaysa kotse baka traffic ngayon.

Will Two Hearts, Beat For One Reason?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon