Chapter 24

139 12 5
                                    

Kenneth's POV

Naghahanda na ako for the Homecoming ni K. "Okay na ba tong bihis ko?" tanong ko sa sarili habang nakatingin sa salamin.

"Ayan ka na naman Kuya ha. Kinakausap mo na naman ang sarili mo sa salamin." sabi ng kapatid ko na si Kensha. "Kuya, ang gwapo mo na. Kaya pwede ba bumaba ka na dahil ikaw nalang ang hinihintay namin sa baba." at bumaba na siya kaya bumaba na rin ako.

~~~

Pagdating namin sa venue ay marami-rami na ang mga tao. Akala ko ba maliit na Homecoming lang to, ba't ang rami yatang bisita at halos mga business partners ng mga parents namin kaya tinext ko si Zack dahil nao-OP na ako dito.

"Zack, asan ka na? OP ako dito sa venue."

"Nandito pa ako sa café, sinusundo ko pa kasi si Drey." café? silang dalawa ni Audrey?

"Café? Anong ginagawa niyo sa café?  Kung ano man pakidalian, wala kasi akong maka-usap dito."

"Kawawa ka naman 😂😂✌✌, sige2x see you in a bit."

After kong mabasa ang reply niya ay binalik ko na ang phone ko sa bulsa ko at kumuha ako ng maiinom na siniserve ng mga waiter.

Zack's POV

Nandito ako sa café ni pinagtratrabahoan ni Drey. After kong replyan si Kenneth ay binalik ko na sa bulsa ang phone ko. Tapos naman ang shift ni Drey, hininhintay ko na lang siyang matapos magpalit. After ng ilang minuto ay lumabas na si Drey mula sa staff room.

"So tara na." sabi at she just nod at me.

"Naks naman tong si Zack, kung makasundo parang boyfriend nitong ni Audrey." sabi ni Brenda Mae.

"Anong boyfriend ka diyan. Sinusundo ako kasi driver ko tong bestfriend ko. Di ba Drakola."

Tumango lang ako sa sinabi ni Drey. "By the way, didiritso na ba tayo sa venue?"

"Oo daw, bilin sa'kin ni K na sa venue nalang daw kami magkikita."

"So tara na." hinawakan ko ang kamay niya at hinila ko na siya palabas ng café.

Sinuot na namin ang mga helmets namin at umangkas na kami sa motor ko. "Ready na."tanong ko at nang umoo si Drey ay pinaandar ko na ang motor.

~~~

Pagkapasok namin sa venue ay sinalubong kaagad kami ng isa sa mga staff.

"Kayo po ba si Ms. Audrey?" tanong ng staff at tumango lang si Drey bilang sagot. "Dito po tayo." at sinundan namin ang staff papunta sa second floor.

Huminto kami sa isang room tapos si Drey lang pinapasok ng staff at sinabihan ako na dito nalang sa labas mag-antay.

Audrey's POV

Pagkapasok ko ay nadatnan ko si K na nag-aayos.

"Ms. Audrey, maupo na po tayo dito at aayusan ka na namin." sabi ng isang baklang ubod sa make-up.

"Ahhh..wait po muna." sabi ni K sa bakla. "Couzie, yung damit andiyan sa corner, magbihis ka muna bago ka lagyan ng make-up."

Kinuha ko yung damit at pumasok sa CR at nagbihis. Pagkatapos kong magbihis ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Hindi ko talaga style ang mga ganito, masyadong maglitters, sosyal, at mafancy na damit, at dahil party ni K to, kailangan ko talagang magsuot ng ganito.

Will Two Hearts, Beat For One Reason?Where stories live. Discover now