Chapter 42

127 11 12
                                    

Audrey's POV

Naging maayos naman ang Dinner namin kanina, parang bumalik na lahat sa dati kasi bumalik na sa dati yung pansinan namin ni Zack, for some reason, sa nagdaang week ay kumplikado yung pansinan namin.

Ngayon ay naglalakad kami ni Damion sa dalampasigan, hawak-hawak niya pa rin yung kamay ko, kahit kanina, habang nagswi-swimming kami ay hawak niya pa rin yung kamay ko.

Huminto kami at tinignan niya ako. "It was the right decision to follow you here."

"Paano na Papa mo, okay lang ba sa kanya na iwan mo siya?" tanong ko.

"Yep, plus hindi ako makarelate sa mga pinag-uusapan nila ng mga ka-business partners niya, ewan ko ba, kung bakit pa ako sumama sa business trip na yun. Plus, hindi ko pwedeng hayaan na magtrip yung girlfriend ko na hindi ako kasama."

"Bakit naman hindi? Alam mo mag-eenjoy pa rin naman ako kahit na wala ka."

Bumitaw siya sa pagkahawak ng kamay ko. Nakangiti siya kanina pero mas lumapad yung ngiti niya.

"Oh, bakit parang iba yang ngiti mong yan?" tanong ko.

"Sa sinabi mo kanina, sinasagot mo na ba ako? Kasi hindi ka pumalag na tinawag kitang girlfriend."

"Bakit? Ayaw mo ba? Dahil kung ayaw mo, edi babawiin ko." at dahil alam ko na pulang-pula na yung mukha ko ay humakbang na ako. Ano ba 'tong mga sinasabi ko, saan ba humugot ng lakas ng loob 'tong sarili ko para sabihin ang mga iyon.

Tumigil ako sa paglalakad nang hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa kanya at niyakap niya ako. Ngumiti ako at yinakap ko rin siya, matagal ko na 'tong pinag-iisipan, at buo na ang desisyon ko na sagutin siya. Sa mga panahon na magkasama kami ay naging masaya rin ako na kasama siya at unti-unti ko na rin siyang nagugustuhan, at alam kong handa si Damion na saluhin ako sa oras na mahulog ako sa kanya.

"Finally, official na talaga tayo. I promise you na mamahalin kita ng sobra-sobra." Bumitaw siya pagkayakap at kinuha ang dalawa kong kamay at hinalikan niya iyon at tumingin siya sa'kin. "Thank you, for making me feel that I am the happiest person ngayon." at hinalikan niya ang noo ko. "Yes! Finally! Wooh!" nagsisigaw na siya at yumakap siya ulit sa'kin.

Humiga kami sa buhangin at tinanaw ang mga tala at hinawakan niya ulit ang kamay ko.

"Thank you."

"Alam mo Damion, nakailang thank you ka na."

"Cant help it. Masyado akong thankful sa lahat, especially sayo. Mahal na mahal kita Audrey."

"Ako rin." tipid kong sagot, hindi talaga ako sanay sa mga ganito.

Zack's POV

Nandito ako sa terrace at tinatanaw ko silang dalawa sa dalampasigan. She seems so happy, dapat lang, kasi I preffered her smiling than frowning. Sa position kong 'to para na talaga akong stalker o di kaya overprotective na kapamilya na nagmamatyag sa kanilang dalawa. Mas okay na siguro na hanggang dito nalang kami, I have to act like how I usually act noon. At least hindi mawawala yung connection namin sa isa't-isa, we will stay as bestfriend pa rin naman. Kaya nga pinansin ko na siya kanina habang nagdidinner para maalis na yung awkwardness feeling ko towards her. But sad to say tinawag niya akong Zack at hindi Drakola, nakakapanibago nga sa tenga eh. Ginulo ko ang buhok ko and let out a sigh.

🎶'Cause you only need the light, when it's burnin' low,
Only need sun, whent it starts to snow,
Only know you loved her when you let her go.🎶

Tinignan ko kung sino ang kumakanta at nakita ko si Yssa, sa may pintuan at humakbang siya palapit sa'kin.

"Ano? hanggang tanaw nalang tayo, kasi naman ang torpe additional pa yang pagkaslow mo, kaya ayan naunahan ka na."

Will Two Hearts, Beat For One Reason?Where stories live. Discover now