Chapter 27

133 11 3
                                    

Zack's POV

Kring!!!!....Kring!!!!....Kring!!!!...

Gumising na ako at pinatay ang alarm. Nagstretch ako bago bumangon. Wait! "What a dream...." sabi ko sa sarili ko. Hinawakan ko ang labi ko. Ba't feeling ko totoong-totoo ang panaginip ko. Me again, dinala ko pa talaga hanggang panaginip ang weird na nararamdaman ko para sa kanya. Ano bang problema mo Zack? Una you have this weird feelings towards her at ngayon gusto mo siyang halikan. Hinalamos ko ang mukha ko gamit ang mga palad ko at ginulo ang buhok ko. Teka? Paano ako nakauwi? Last thing I remember ay.....  Uminom ako ng uminom and then nagblack-out na ako. Tatanungin ko nalang si Drey sa school mamaya. Speaking of school, tinignan ko ang orasan ko, Shit! late na ako. Dali-dali akong pumunta ng banyo at naligo.

~~~

Pagkadating ko sa classroom ay nadatnan ko kaagad si Drey na nagliligpit ng mga gamit niya. Agad-agad ko siyang nilapitan at inakbayan.

"Hi Drey!" maligaya kong bati sa kanya.

"Dra..dra...Drakola?!"

"Wow, ang aga natin ah. Magthi-third subject na, tsaka pa papasok. Iba ka rin talaga Fernandez, ako nga 1st subject lang ang kayang i-absent." FCing sabi ni Luna, kahit hindi ko naman siya binati ay nagsalita na, FC talaga.

"Haha, nakakatawa." sarcastic kong sabi. Humarapa ako kay Drey. "Drey, alam mo ba kung sinong naghatid sa'kin kagabi, wala kasi akong maalala kagabi eh."

"Bakit wala kang maalala, nagka-amnesia ka ba kagabi. Tsaka, bakit biglaan ka nalang nawala sa party kagabi? Akala ko nag-CR ka lang. Tapos...." FC at daldal talaga tong si Luna, ang dami ring tanong na sinagot niya sa tanong ko.

"Pwede ba Luna, hindi ikaw ang kausap ko." pambabara ko sa kanya. "Drey..." hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may tumawag kay Drey.

"Audrey! Thank God I found you." tumingin siya sa'min ni Luna. "Hi guys, i-excuse ko muna si Audrey ha. Bye." at kinaladkad na ni Yssa palabas si Drey.

Audrey's POV

"Yssa, teka muna." at huminto siya sa pagkaladkad sa'kin."Saan ba tayo pupunta?"

Humarap siya sa'kin."Pwede mo ba akong samahan mag-mall?"

"Ha?! Eh, may klase pa ako."

"Urgent lang kasi, sinong subject teacher niyo?"

"Si Maam Judy."

"Eh, wala ka namang matutunang matino kay Maam Judy, for sure iikot lang yung explanation niya sa kung ano man ang topic niyo at baka absent na naman yun, kasi last week pa siyang nasa Bohol kasi may wedding daw."

"Teka, gawa-gawa lang ba yang mga pinagsasabi mo? Paano mo nalaman ang nga yan."

"Friend kasi kami sa Facebook. Learn to socialize din paminsan-minsan. So, let's go." at kinaladkad na niya naman ako.

~~~

Pagkadating namin sa mall ay pumasok kaagad kami sa isang boutique. Kumuha siya ng kumuha ng  mga damit at tumungo sa dressing room. Pagkatapos ng ilang minuto ay lumabas na siya.

"Okay ba 'to?" tanong niya at tumango lang ako bilang sagot. Pumasok na naman siya.

Nakalimang suot na siya at nagtanong na naman siya kung okay lang ba at tumango ulit ako bilang sagot. Pagkatapos ay pumasok na siya ulit ng  dressing room.

Pagkalabas niya ay dala-dala na niya ang limang damit. "Tara bayaran na natin." at tumungo na kami ng cashier. Weird talaga tong si Yssa.

Pagkatapos naming bayaran ay nagtungo kami ng McDo. Humanap kami ng bakanteng upuan at pinaupo niya na ako. "Wait here. Oorder lang ako." at umalis na siya, kailan pa kaya ako makapagsasalita. Huminga ako ng malalim. Weird talaga tong babaeng to. Bumalik na siya dala-dala ang mga inorder niya. "This one's for you, and this one is for me."

Will Two Hearts, Beat For One Reason?Where stories live. Discover now