Chapter 31

102 9 3
                                    

Zack's POV

I thought a lot about what Sofia said to me last night.

~Flashback~

After akong babaan ni Drey ng tawag ay hindi talaga ako makatulog kaya inopen ko ang messenger ko at hinanap ko kung sinong online at nagkataon na online si Sofia. Sa kanya ako nanghihingi ng mga advices before kaya close kami then nauwi sa...basta alam niyo na yon. I pressed her name at started typing.

Pssstttt......

??? May kailangan ka?

Hindi ako makatulog eh.

So? Is chatting with me help
you sleep?

I need your help, I need
someone to talk to.

Bakit ako? U can talk to
Audrey naman ah.

She's busy with
homeworks

It's a good thing na
nandito ako sa kina Auntie.
Meet me at the subdivision park.

Sos, gusto mo lang
akong makita eh, pwede
naman tayong mag-usap
sa chat

Dream on.Im too lazy to type.
Im heading there na

Ok2x, I'm going out na rin

Buti nalang nasa kina Auntie niya siya kasi her, Auntie and us are in the same subdivision. Ibang subdivision kasi si Sofia nakatira. Kinuha ko jacket ko kasi for sure, it would be cold outside, then head out to the park.

~At the Park~

Pagkadating ko sa park ay nakita ko kaagad siya. She's sitting in a swing, her favorite spot dito sa park ng subdivision. Linapitan ko kaagad siya when she saw me.

"As usual, huli ka na naman ng dating. I guess nothings change pa rin." sabi niya.

"Eehh..mas malapit kaya ang park sa bahay ng Auntie mo, compare sa bahay namin."

"So, what do you want to talk about?" tanong niya.

"Ahhhmmm...nakalimutan ko na ehh...Hehe.."

"Wow ha, so I came here for nothing lang pala."

"Hindi naman ako ang nag-aya. So technically it's not my fault at tsaka...."

"Is it about Audrey?" pambabara niya.

Tumango lang ako bilang sagot.

"So, what about her? Nag-away ba kayo, nagkatampuhan or the usual, both?"

"No, it's nothing like that. Actually it's the opposite."

"Alam mo Zackary Drake Fernandez, say it to me straight nga na Gusto mo si Audrey. My goodness pinapahaba mo lang 'tong usapang to."

"Huh?! Ako magkakaano kay Audrey, no way."

Tinaasan niya ako ng kilay, and ayon, gumive-up na ako. She knows me too well, basang-basa niya ako.

"Okay, okay. It's not like I like her. May weird lang akong nararamdaman kapag nandiyan siya. Parang kailangan ko siya sa tabi ko palagi. Yung kung kasama mo siya, palagi kang masaya, and her smile na nakakahawa, palagi akong naghahallucinate ng mukha niyang nakangiti then at night hirap akong makatulog kakaisip sa kanya."

Will Two Hearts, Beat For One Reason?Where stories live. Discover now