Chapter 4

292 19 16
                                    

Zack's POV

Nagising ako sa tunog ng alarm. Nakakapagtaka nga naman bakasyon tapos nag-alarm ang phone ko. Like what the.... Bumangon ako sa pagkahiga at kinuha ang phone. Pagkakita ko na: 8:30 na. GISING NA DRACOLA AT MAGPAPA-ENROLL PA TAYO.

Oh My Ghad! What! Enrollment na pala. Nagmamadali akong pumunta sa banyo at naligo na.

Dali-dali akong bumaba at wala na akong balak mag-almusal. Pagka-angkas ko sa motor ko ay pinaharurot ko na ang motor ko.

~~~

Pagkadating ko sa campus ay hinanap ko na agad si Drey for sure nag-uusok na ang ulo nun. Pumunta na agad ko sa tambayan namin, sa rooftop. Pagkadating ko ay nakita ko agad ko siyang nakahiga sa upuan na palagi naming tinatambayan kapag break namin. Si Tita kasi ang may ari ng University na ito kaya pinakausapan ko na magka-block kami ni Drey simula noong 1st year college kami hanggang last year tutal pareho kaming Civil Enginner.

Linapitan ko na siya at pinagmasdan siyang natutulog. Mukhang nakatulog siya sa kakahintay sa'kin. Sorry talaga Drey na-late talaga ako ng gising. Hinawig ko ang buhok na nakaharang sa mukha niya. Ang peaceful niyang tignan kapag natutulog kumpara kung gising siya parang barbarian kung makaasta, pero kahit ganyan siya mahal ko tong bestfriend kong to. Ang chubby ng cheeks niya kaya palagi ko itong pinipisil

Unti-unting dumilat ang mata niya. "Kyaahhhh!!!!...." sigaw at tulak sa'kin kaya napaupo ako sa sahig napa aray nalang ako sa sakit ng puwet ko. "Anong ginagawa mo?" dagdag pa niya.

"Wala. Kadadating ko lang at gigisingin na sana kita kaso dumilat ang mga mata mo at tinulak mo na ako." paliwanag ko.

"Kasalanan mo naman, eh ginulat mo ako."

"Bakit kaba natutulog dito?"

"Kasi ang tagal mong Drakola kaya ayan nakatulog tuloy ako. Mag aalas-9 na oh, tapos 7:30 yung usapan natin."

"Tara na nga sa baba, for sure mahaba na ang pila for enrollment." dinampot ko ang kamay niya at hinila na siya palabas ng rooftop.

Pagkababa namin ay bumitaw agad si Drey sa aking kamay at nagpaalam na magsi-CR muna. Pumasok na siya sa loob ng CR at hinintay ko na lang siya sa labas.

Audrey's POV
~Sa CR~

Tumingin ako sa salamin at ang pula ng mukha ko. "Audrey pigilan mo na yang nararamdaman mo. Please mag bestfriend kayo at ang labo mangyari na lumagpas pa kayo dun. Mahirap na kung malaman niya to,okay. Okay " at huminga ako ng malalim. Nabigla ako nang may magsalita sa likod ko.

"You know mas mahirap kung ikikimkim mo lang yan. Baka hindi mo alam na may gusto rin sa'yo ang bestfriend mo." tumahimik ang paligid sa'ming dalawa, maganda siya, maputi (baka multo to) at mukhang amerikana (multong amerikana 😱) sorry nago-over react na naman ako.

"Sorry, na overheard lang kita. Im Yssa, Yssa Mitz Cortes actually transferee lang ako." inextend niya ang kamay niya at tinanggap ko naman yun.

"Audrey, Audrey Dianne Sanchez." sagot ko naman.

"Audrey, what a darling name. Bagay sa'yo. Well, see you around Audrey, hopefully will be in good terms." ngumiti siya ng malawak at lumabas na ng CR.

Zack's POV

Alam kong hindi katulad si Drey ng ibang mga babae na magtatagal sa CR. Yung mag aayos at magme-make up pa, magsusuklay ng buhok tapos guguluhin naman ulit, susuklayin na naman at tsaka pa titigilan ang mga buhok nila, magpopowder at maglilipstick pa. Kung nagtatanong kayo kung saan ko nalaman ang mga ito, kasi naman may kapatid akong babae. Pagkatapos gawin ang lahat ng yun ay tsaka pa lalabas ng CR. Pero mukhang mas natagalan yata siya ngayon.

Will Two Hearts, Beat For One Reason?Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin