Chapter 22

172 12 6
                                    

Kyra's POV

"Long time no see insan. Kumusta ka na?" nakangiting bati sa'kin ni Sofia.

"Insan!" sigaw ko at dali-dali ko siyang niyakap ng mahigpit.

After kong yumakap ay nagmano ako kina Tito at Tita.

"Mukhang na-miss niyo talaga ang isa't-isa ah. Sige mauna na kaming pumasok, para magkamustahan na kayong magpinsan." sabi ni Tita Phoebe at pumasok na sila.

"Insan, I miss you." at yinakap ko ulit siya.

"Namiss din kaya kita Insan. So kumusta ka na?" tanong niya.

"Ok na man." sagot ko.

Nagkwentuhan kami habang papasok ng bahay, mostly about sa London.

Kenneth's POV

Busy ako sa pagluluto ng Caldereta nang lumapit si Tita Lindy sa'kin.

"Okay na ba ang Caldereta." tumango ako sa kanya. "Patakim ha." at kumuha siya ng kutsara at kumuha ng kaunting sabaw at tinikman ito.

"Tita okay lang po ba?" tanong ko.

"Ang sarap sobra." at nag-thumbs up siya. "Rai!" tawag niya kay Mama.

"Oh, bakit Lindy?" sagot ni Mama

"Ang sarap talaga magluto nitong anak mo. Pwede na yata tong mag-asawa at ang swerte talaga ng mapapangasawa mo Kenneth." napangiti nalang ako sa sinabi ni Tita Lindy. "Turuan mo namang magluto si K kahit paminsan-minsan, noodles lang yata at itlog ang kayang lutuin non eh." dagdag pa niya.

"Sige po Tita." nakangiti kong sagot.

"Eh, Tita kung pakasalan nalang kaya ni Ken si K." biglang sulpot ni Zack. Kahit kailan pahamak talaga tong bibig ng Drakolang to.

"May girlfriend na tong si Ken at alam kong loyal siya don, kaya ikaw humanap ka na ng babaeng ilalaanan mo ng loyalty mo." sagot ni Tita Lindy. "Oh siya, ilapag niyo na tong mga ulam sa lamesa."

Pagkalapag namin sa mesa ng mga pagkain ay biglang bumukas ang pinto at pumasok sina Tito Jeff. After ilang minuto ay sumunod na pumasok sina K at Sofia.

~~~

While having our dinner ay nagkwekwentuhan lang ng mga bagay-bagay, nothing special. Habang ang mga parents namin ay nag-uusap about business, kami naman ay busy kakatanong kay K about sa mga experiences niya sa London. We were busy talking when Tita Phoebe made us shift our attention to her.

"Wow! This Caldereta is so good. Kaninong recipe to?" tanong ni Tita Phoebe.

"Si Ken ang nagluto niyan, self-made recipe daw niya. Marami pa siyang self-made recipe, but yong pinakapaborito ko yung special beef steak na niluto niya sa anniversary namin ni Yancy." pagmamalaki ni Mama.

"Oh really. So Ken, you will run a restaurant after you graduate, right?" tanong ni Tito Jeff.

"I'll study cullinary for a year, then maybe after that ay magmamanage na ako ng restaurant." sagot ko.

"Mabuti pa tong si Ken handang-handa na sa kinabukasan niya. Eh tong si Zack..."

"Alam mo Pa, may kinabukasan naman ako ah, hindi nga lang planado. Hehe." 

At dahil sa sagot ni Zack ay nagtawanan kaming lahat. After 2 years nagawa ulit namin ito. Tinignan ko si K, at sana hindi ko nalang siya tinignan. Her smile, yun talaga ang nagpapatibok ulit ng puso at nararamdaman ko sa kanya.

Audrey's POV

Nasa kuwarto ni K kaming apat na babae pagkatapos naming kumain. Ewan ko ba kung anong nakain ng pinsan at bigla-bigla nalang nagdesisyon na magslumber party daw kami.

Will Two Hearts, Beat For One Reason?Where stories live. Discover now