Chapter 6

229 15 2
                                    

Audrey's POV

Gumising ako ng maaga dahil first day ng klase na ngayon. Naligo ako at pagkatapos nagbihis na. Hinanda ko na ang mga gamit ko nang mapansin ko ang phone ko, dali ko itong kinuha at pagkabukas ko ay tumambad ang mga 12 missed calls at mga unread texts galing kay Drakola. Binasa ko ang mga texts niya.

"Drey, sorry na. May inasikaso kasi ako kaya nalate akong pumunta ng treehouse, tapos pagdating ko ay wala ka na."

"Drey naman oh. Sorry na."

"Babawi na lang ako bukas, promise."

"Pssttt...Drey"

"Drey"

"Drrrrrrrreeeeeeeeeyyyyyyyyyyyyy"

"Yo Drey"

"Drey galit ka ba??"

"Kung oo, please wag ka nang magalit."

"Wazzup Drey."

"Oyy Drey...pansinin mo naman ako."

"Drey magpaload ka nga."

"Rereply na yan."

"Hoyy...reply na."

"Ang saya makipag-usap sa sarili noh."
😑😑😑

"Sige bukas na kita kukulitin, inaantok na kasi ako."

"Goodnight Drey, tulog na ako. Ayaw mo kasing mag reply."

Magtiis kang Drakola, ang inip kaya maghintay tapos umeepal pa ang mga lamok. Ilalagay ko na sana ang cellphone ko sa bag nang mag vibrate ito. Binuksan ko ulit ang phone ko at nagtext na naman ang bwisit na Drakola.

"Pssttt....Good Morning 😁😁😀... Gising na may pasok na, bumaba ka na kung gising ka na. Nakahanda na ang breakfast."

Ang weird talaga ng Drakolang to. Tuluyan ko nang nilagay ang phone ko sa bag at bumaba na. Pagkababa ko ay bumungad agad ang mukha ng Drakola sa dining table kausap si K.

"Good morning, o may dala akong breakfast." bati niya.

"Morning couzie. Couzie ang sarap ng pancakes, you should try some." dagdag ni K.

Umupo na lang ako sa dining table at kumain. Gutom ako at ayaw kong tanggihan ang blessings. Wala akong imik habang kumakain habang sila K at ang Drakola ay patuloy pa rin sa pagkwekwentuhan nila.

"Couzie, ang tahimik mo yata. May problema ka ba?" tanong sa'kin ni Kyra.

Umiling lang bilang sagot at tumayo ako at tumungo sa kusina at nagsipilyo na.

"Zack, nag-away ba kayo?" tanong ni K kay Zack. Kung pag-uusapan niyo ang isang tao, make sure na hindi ka naririnig ng taong pinag-uusapan niyo.😒😒😑😑

"Beastmode niyan sa'kin." sagot naman ng Drakola. Dapat lang naman akong ma-beastmode sa kanya sa lahat ng paasa na ginawa niya at may gana pa siyang magparinig sa'kin. 😠😠

Natapos na akong magsipilyo at palabas na ako ng kusina nang harangin ako ng Drakola.

"Drey hatid na kita." aya niya.

Umiling lang ako. " Ihahatid naman kami ni Tatay Justin." deny ko sa aya niya.

"Actually,hinatid na ni Kuya Justin si Kyleb papuntang school." singit ni Kyra.

"Edi sasabay ako sa'yo." sagot ko kay Kyra.

"Sorry Couzie pero mamaya pa ako papasok at may dadaanan pa ako before ako papasok sa school. Sumabay ka na lang kay Zack tutal yun rin naman ang pakay niya dito."

Will Two Hearts, Beat For One Reason?Where stories live. Discover now