Chapter 2

358 19 6
                                    

Audrey's POV

Hay salamat, tapos na rin ang shift ko.
Lalabas na sana ako ng Cafe nang may tumatawag sa phone ko. Hinublot ko ang phone. Tinignan ko ang phone ko, unregistered number ang tumatawag kaya hindi ko na sinagot.

Ilang segundo ang nakalipas ay tumawag na naman ang unregistered sa pangalawang pagkakataon ay pinatay ko ang tawag. Baka naman wrong number o scam at stalker to, naku baka maging delikado ang buhay ko. Papara na sana ako ng jeep nang magvibrate na naman ang phone ko. Sinagot ko na lang ang tawag kaya Lord please guide me, sana hindi ito scam at sana PCSO ito at ipapaalam sakin na nanalo ako ng Isang milyong piso sa lotto.

"Hay naku, doest it really take for me to call 3 times just for you to answer it" naiiritang sabi ng babae sa kabilang linya.

Wow siya pa ang naiirita ha, ang kapal ng mukha eh hindi ko nga siya kilala tapos english ng english pa kung manermon. Eh maliit lang naman ang naiintindihan ko dun kaya kung subject ang pag-uusapan P.E talaga ang the best kahit once a week lang eh palaging pasado naman ang grade ko.

"Pwede huwag mo akong ma-english english diyan eh, hindi naman kita kilala." sagot ko sa kanya.

"Hay naku, hindi ka pa rin talaga nagbabago. Sana dapat sinama na kita sa London para naman marunong kanang mag-english."

"Eh bakit naman ako sasama, eh hindi naman kita kilala."

"Ouch naman couzie, hindi mo na ba kilala boses ko. Nakaka-offend at nakaka-hurt ka na ha."Isa lang ang tumatawag ng couzie,Hindi kaya...

"Kyra!!..ikaw ba yan!!.." pasigaw kong sabi.

"Surprise!!Took you long enough. By the way asan ka ba, pupuntahan kita at anong bang secret mo? Ayaw kasing sabihin ni Tatay eh."

"Huwag na, tutal papauwi na rin ako"

"Nakakatampo ka na ha, sige ka wala kang pasalubong mula sa'kin."

"Sos may tampo-tampo ka pa diyan. Oh siya, meet na lang tayo sa mall."

"Okay, meet na lang tayo sa may coffeeshop. Sige see you there."

"Babye." at tinapos ko na ang call.

~~~

Ilang minuto na akong nakatayo pero ni isang jeep ay walang bakanteng dumadaan. Kung minamalas ka nga naman. Papara na lang sana ako ng taxi ng may pamilyar na boses ang tumawag sa'kin.

Zack's POV

Bakit ba ang boring ng araw ko ngayon. Nakahiga lang ako dito sa couch nanonood ng Adventure Time, maaga pa naman akong naligo para maglaro ng basketball kaso kinancel nila dahil may kani-kanila silang lakad. Kahit na isa sa mga favorite shows ko ang Adventure Time ay nabobored pa rin ako. Iba pa rin talaga kapag kasama kong manuod si Drey, bestfriend ko, paborito niya rin tung show na to. Speaking of Drey malapit na matapos ang shift niya, puntahan ko na lang siya tutal wala naman akong magawa dito sa bahay.

Tumakbo ako papuntang kwarto ko para magbihis. Pagkatapos ay kinuha ko na ang susi ng motor ko at dumiretso na sa garage. Pagkaandar ng motor ay pinaharurot ko na ito palabas ng garage.

It took me 25 minutes para makaabot sa cafe na pinagtatrabohan ni Drey. Punyeta naman oh, late na ako ng 5 minutes. Bahala na baka nasa loob pa siya. Pinark ko ang motor sa may bakanteng parking spot at pumasok na sa cafe. Agad kong hinanap si Drey buti na lang ay lumapit sa'kin si Brenda Mae, katrabaho ni Drey.

Will Two Hearts, Beat For One Reason?Where stories live. Discover now