Chapter 12

197 15 4
                                    

Audrey's POV

Thank God its Saturday, walang pasok at walang Demonyo at Drakola na palaging nakabuntot sa'kin. Bumaba na ako para mag-almusal at nadatnan ko si K na nagkakape.

"Good morning Couzie." bati ni K sa'kin.

"Morning K." bati ko at umupo sa tabi niya.

Nilapag na ni Nanay Ailyn ang almusal namin. Pancakes na naman, hindi naman to nakakabusog mas nakakabusog kung kanin nalang tapos may ulam na hotdog o kahit itlog man lang. No choice kaya kumain na kami ni K.

"Uhmm.. Couzie?"

"Bakit K?"

"Curious lang ako, kilala mo ba ang..." huminto muna siya."Huwag na lang."

"Kilala ko ba ang girlfriend ni Kenneth?" tumango nalang siya. "Oo, pinakilala siya sa'min ni Kenneth at hindi ko siya feel. Ibang school siya nag-aaral. Kilala ko kung ano ang pangalan niya pero hindi ang pagkatao, pero may feeling ako na may something yung babaeng yon. Bakit mo biglang natanong K? Umamin ka nga sa'kin, may nararamdaman ka pa ba para kay Kenneth?"

Sasagot na sana siya nang bumukas ang pinto. At napanganga nalang ako ng makita siya. Anong ginagawa niya dito?

"Good morning." at nagwave siya sabay ngiti. "Nagdala pala ako ng almusal." at lumakad siya palapit sa dining table.

"Nay Ailyn bakit mo pinapasok ang Demonyong to dito." umagang-umaga nakakabadtrip naman oh. Akala ko Free Day ko ngayon. Huminga ako ng malalim.

"Audrey, kasi sabi niya kaibigan ka daw niya, tapos kaibigan rin siya ni Zack, kaya pinapasok ko nalang siya dito." sagot ni Nanay Ailyn.

"Nay naman oh."

"Sorry talaga Audrey. Oh siya maglilinis muna ako." at umalis na siya sa dining room.

Humarap ako kay Demonyo. "Anong ginagawa mo dito? Umagang-umaga sinisira mo na araw ko."

"Chill ka nga, may lakad tayo at sasama ka sa'kin wether you say yes or no."

"Couzie, sino siya?" tanong ni K.

"I'm Damion, you're Kyra right." tumango lang si K bilang sagot. "Nice to meet you. Manliligaw pala ako ng pinsan mo." napanganga nalang ako sa sinabi ng Demonyong to.

"Couzie, wala ka yatang na share na may manliligaw kana pala."

"Hindi ko siya manliligaw at ikaw Demonyo ka, pwede umalis ka na."

"Ouch naman. Ang sakit naman kapag denideny ka."

"Pwede ba Demon, may trabaho pa ako mamaya kaya hindi ako sasama sayo."

"Edi hihintayin kita hanggang matapos shift mo, hihintayin ko rin ang matamis mong Oo."

"Umagang-umaga, nandito ka na Luna. Ang aga mo namang lumandi." nagulat nalang ako ng may magsalita sa may pintuan, si Drakola."Actually may lakad rin kami ni Drey at mas nauna akong mag-aya kaysa sayo." isa pa tong Drakolang to kung ano-ano nalang ang sinsabi.

"Ano bang problema niyo ha. May trabaho pa ako, kaya wala akong sasamahan sa inyo. Kung gusto niyo kayong dalawa nalang ang magsama." at umakyat na ako papuntang kwarto ko.

Zack's POV


Umakyat na si Drey sa kwarto niya, kami nalang ni Luna at K ang nandito sa Dining room.

"Pwede ba Fernandez umuwi ka na lang. Panira ka kasi sa lakad namin ni Audrey." kapal din ng Lunang to, ako pa talaga ang panira.

"Kapal mo rin no. Bestfriend ako ng tao, eh ikaw manliligaw ka lang. Kaya sa ating dalawa ikaw ang panira."

Will Two Hearts, Beat For One Reason?Where stories live. Discover now