Chapter 41

97 12 8
                                    

Audrey's POV

"Damion?!" gulat kong tanong.

"Surprise!" ngiting-ngiti siya habang palapit sa'kin at yinakap ako. "I missed you so much. Kaya naisipan kong humabol but the thing is hindi ko alam kung saan ang location, buti nalang at nagcomment tong si Sofia sa post ni Yssa at naisipan kong magpasama sa kanya papunta dito."

"Ahh...ganun ba. Buti naman at humabol kayo, the more the merrier." biglang salita ni Zack. "Sorry kung nakalimutan ka naming i-invite Sof."

"No big deal." sagot ni Sofia.

"Tulungan na kita diyan Sofia." at kinuha niya ang mga dalang-dalang bag ni Sofia at pumasok na sila sa cabin.

Humiwalay sa pagkayakap si Damion. "Nasurprise ka ba? Ayy..wait may nakalimutan akong ibigay sa'yo." May kinuha siya sa bag niya. "Ta-da." at pinakita niya sa'kin ang isang stuffed toy na Charmander. "Nakita ko kasi to sa isang gift shop kaya binili ko, it reminded of you kasi." Inabot niya sa'kin ito at nang tanggapin ko ito ay ay napakamot  siya sa batok niya at ngumiti. "Nagustuhan mo ba?"

Ngumiti ako at tumango bilang sagot. "Pasok muna tayo."

Nang makapasok kami ay timing rin ang paglabas ni K sa kwarto.

"Morning K." nakangiting bati ni Damion.

"Morning Damion. Wait?! Damion?! Nandito ka?" gulat na sabi ni K. "When? How?"

"Yes, kakarating ko lang, nagpasama ako kay Sof..." hindi niya natuloy ni Damion ang sasabihin niya nang lumabas si Sofia galing sa kusina.

"Hi insan." nakangiting bati rin ni Sofia.

"Insan?! Ikaw rin?"

"Yep. Kasi mapilit tung si Damion kaya wala na akong choice, plus pinasama rin ako ni Mama kasi baka daw maligaw tong si Damion at hindi makaabot dito."

Zack's POV

We're having breakfast at kwento ng kwento si Luna sa kung ano-ano kina Tito Jigs at Tita Lene.

"Nice to have you here hijo at tsaka masaya rin kaming makilala ang boyfriend nitong ni Audrey, she's like family to us pati na rin sina Ken,K at Sofia. Alagan mo ng mabuti si Audrey and be a good boyfriend to her." Tita Lene said.

Nakita kong hinawakan ni Luna ang kamay ni Drey. "Makaasa po kayo Tita, I wont let anyone na saktan at hayaang maging malungkot tong si Audrey."

"Oh, sige mauna na kami ni Tita Lene niyo ha, may aasikasuhin pa kasi kami. Finish your breakfast and enjoy." sabi ni Tito Jigs at umalis na sila ni Tita Lene.

"By the way Audrey, gusto mo magswimming mamaya?" tanong ni Luna.

"Oyyy...hindi mo rin ba kami iinvite Damion, isama mo na rin kami." Crizel said.

"Oo ba. So ano, in ba kayo?"

"We're in." sabay na sagot nina Crizel at K.

"Ako rin." at nagtaas ng kamay si Ken.

"Pass muna ako." sabi ko at lumakad na pabalik ng cabin. Nakakabadtrip naman tong sembreak getaway namin oh at ginulo ko buhok ko.

***

Nasa terrace ako while yung iba ay nasa may pantalan. Nang tinignan ko si Drey, ay sana hindi ko nalang siya tinignan, Damion is still holding her hands habang papunta sila sa sa dulo ng pantalan kung saan nandoon yung iba, ang sarap putulin ng kamay niya, nakaka-ano.

Will Two Hearts, Beat For One Reason?Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang