Chapter 9

231 16 9
                                    

Kenneth's POV

As I follow her, I know na siya na talaga yun kaya tinawag ko na siya.

"Kyra!"

"Ke..." hindi ko na siya pinatuloy. Lumapit na ako at yumakap sa kanya.

"I missed you." mahina kong sabi. Tahimik lang ang buong paligid at ang aking tanging naririnig ay ang malakas na tunog ng tibok ng aking puso. This feels just right at alam kong hindi na'to panaginip. At hinigpitan ko na ang pagkayakap ko. Isang luha agad ang dumaloy sa mukha ko.

~~~

Pumunta kami sa isang bench sa may garden. Tahimik lang kaming dalawa habang nakaupo. Hindi naman kami ganito ka-awkward noon pero lahat talaga ng bagay ay nagbabago kapag lumipas ang mahabang panahon.

"How are you?" sabay naming tanong.
"You should go first." sabay pa rin kami kaya nagtawanan na lang kami, hindi pa rin siya nagbabago she's still the same Kyra na bestfriend ko 2 years ago, except sa mas pumuti siya at mas gumanda. Tumahimik na naman ang paligid namin.

"So how are you?" tanong niya ulit.

"Im doing well, how 'bout you?"

"Same, actually Im great, it feels great to be back."

"Kailan kapa ba nakabalik?"

"Actually 3 days before enrollment pa."

"Hindi mo man lang ako tinawagan o ininform man lang na nakabalik ka na pala."

"Sorry, for some reason natatakot ako na baka galit ka pa rin sa'kin for what I did."

"That was 2 years ago Kyra. Let's just forget about that." at tumango lang siya at ngumiti. It's the first time after 2 years ay nakita ko siyang ngumiti. I'm glad she's back.

Audrey's POV

Nagla-lunch kami sa cafeteria. Para akong nasa impyerno nito, kasi naman, kasama ko ang Drakola at ang Demonyo. Dahil lang ba ay hindi ako nakapagbigay ng kaunting barya sa isang manglilimos ay pinaparusahan na ako ng ganito ng Panginoon. Huminga nalang ako ng malalim, ano ba itong pinasok mo Audrey.

"Drey kailan pa?" nabigla na lang ako nang magtanong ang Drakola.

"Ah..eh.." wala talaga akong maisagot, please Lord help me.

"Matagal na, Fernandez." anong problema ng Demonyong to, mas pinapalaki pa niya ang problema ko.

"Drey naman, bakit kay Luna pa, alam mo namang walang future yan diba."

"Wow!, Pre parehas lang naman tayo, magka average nga tayo last year kaya huwag kang ganyan. Ano bang hindi hahangaan ni Audrey sa'kin bukod sa gwapo ako, matipuno, captain ball ng varsity team at sobrang hot pa." Hot. Malamang nakatira ka kaya sa impyerno.

"So anong plano mo sa bestfriend ko Luna?" talagang may balak ka pang magtanong ng ganyan ha, Drakola.

"I'll date her, at kung magwo-work out, so magiging kami." End of the world na, hindi ko na matake ang mga sinasabi nila.

"Make sure iingatan mo si Drey, Luna. Kapag nasaktan yan, humanda ka sa'kin" ano ako kuneho, tuta o anong klaseng pet na ipamimigay na lang. I'm like TT, Just like TT.

Will Two Hearts, Beat For One Reason?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon