Chapter 50

78 6 8
                                    

Audrey's POV

"Kaya ko nga 'to ginagawa kasi mahal kita, at gusto kong makita kang masaya even if it means na kailangan kitang i-let go. Please Audrey, puntahan mo na siya. Aalis na siya ng bansa, maabutan mo pa siya kaya pupuntahan mo na siya ngayon."

"Aalis siya ng bansa?" hindi ko alam pero mabilis akong tumakbo paalis. Aalis siya, bakit hindi man lang siya nagpaalam. Hindi ko na alam gagawin ko basta kailangan kong puntahan siya, kailangan kong maabutan siya.

"Audrey?" biglang sulpot ni Yssa. "Umiiyak ka ba?"

"Yssa, may kotse ka ba? Kasi kailan kong pumunta ng airport, kailangan kong makausap si Drakola."

"Paano mo nalaman? Nevermind, tara, sasamahan kita." at tumakbo na kami papuntang parking lot.

Kumatok siya sa pinto ng kotse ni Kenneth.

"Yssa, mag-enjoy ka na dun, hayaan mo na ako dito."

"Kenneth, hihiramin ko lang sana kotse mo, emergency kasi."

"Huh?"

"Wala ng madaming tanong." binuksan ni Yssa ang pintuan ng kotse ni Kenneth at pinalabas na niya ito. "By the way huwag ka munang umuwi, maghintay ka sa may kotse ni K, you'll thank me later. Audrey, hali ka na, sakay na bilis." at dali-dali naman akong sumakay at pinaharurut na ni Yssa ang sasakyan palabas ng campus.

Zack's POV

Quarter to nine na, it's now or never, pero joke lang 10 pm pa flight ko noh AHHAAHHA. Hinintay ko lang ang board ko, kaya habang naghihintay ay ay naglaro muna ako ng Mp3Beat. Tagal naman oh, excited pa naman ako, kahit hindi ko first makasakay ng eroplano o mangibang bansa.

I was so into sa game ko ng biglang magvibrate ito, si Yssa tumatawag. Ano naman kaya kailangan nito. I declined the call, for sure she will just brag kung gaano siya nag-eenjoy sa ball at magkwekwento kung anong namiss ko sa ball. Wait, sino kayang naging date niya?

After a while ay tinawag na ang flight ko, for boarding. Then nagvibrate ulit ang phone ko, si Yssa na naman, tumatawag kaya dinecline ko ulit. For the third time tumawag ulit siya kaya inaccept ko nalang, makapagpaalam nga.

"Ano na naman? Kung mang-aasar ka na marami akong namiss diyan sa ball, pwes walang effect yan sa'kin." hindi siya sumagot but I hear sobbing sa kabilang linya.

"Oyy, umiiyak ka ba, don't tell me inindian ka ng dat.."

"Oo, umiiyak ako. Bakit ka aalis ng hindi man lang nagpapaalam ng maayos ha!" Aud..Audrey? "Ano, iiwan mo na ako. Ganun ba yun kapag mahal mo ang isang tao, iiwan mo?" tumahimik siya sa kabilang linya, for sure naghihintay siya ng isasagot ko, kaso hindi kumocooperate ang bibig ko. "Ano?! Napipi ka na Drakola." After hearing that, hindi ko alam pero napangiti ako.

"Drey, alam mo naman na mahal kita, kaya ko nga ito oh, aalis ako para makamove on na sa'yo. Wala ng makakapigil sa pag-alis ko. Sorry kung hindi ako nakapagpaalam ng maayos, hindi ko kasi alam kung paano eh." bigla namang naputol ang tawag, inend call na niya. Hahakbang na sana ako nang biglang may yumakap sa'kin galing sa likuran ko.

"Bati na tayo, 'wag ka ng umalis." Drey? Totoo ba 'to?

"Drey?! Anong ginagawa mo dito?" pagharap ko sa kanya ay nakita ko siyang umiiyak.

"Pinipigilan kang umalis, paano kung matagal ka pang babalik, babalik ka pa ba? Paano kung hindi na so hindi na tayo magkita edi hindi ko masasabi sa personal na mahal kita."

Will Two Hearts, Beat For One Reason?Where stories live. Discover now