Chapter 16

140 14 13
                                    

Kyra's POV

It took us 20 minutes lang para makaabot sa bahay ko. Bumaba na ako sa pagkaangkas ko sa motor at sinauli ko na sa kanay ang helmet.

"Thanks sa paghatid." direcho na akong pumasok ng bahay at nadatnan ko sina Ate Kyiesha at Kuya Kyler.

"Welcome home K." at yinakap ako ni Kuya.

"Good thing naisipan mong umuwi dito at magpakita sa'kin."

"Sorry, busy lang talaga ako sa mga paper works at sa office. Pinaubaya kasi nila Mama at Papa ang office dito sa Manila kasi nagkaproblem sa ilang branches natin sa Cebu."

"I hope matapos na nila Mom at Paps ang problem sa Cebu kasi miss na miss ko na sila."

"Ano ka ba sis, for sure miss ka na rin ng mga yun. Dont you worry sis." sabay comfort sa'kin ni Ate. "Tara kain na tayo & by the way sino yung gwapings na naghatid sayo kanina?"

"Ah si Rovin, kaklase ko."

"Kaklase mo lang? Hindi mo boyfriend?" dagdag na naman ni Ate.

"Ano ka ba Kyiesha, ibahin mo si K sayo. Halika na nga kayo para makakain na tayo."tawag sa'min ni Kuya, kaya nagtungo na kami ni Ate sa may dining table.

Kenneth's POV

It's already 8:30 pero nandito pa rin kami sa carnival. Kinuha ko ang phone para i-text si K kaso pag bukas ko ay deadbat na ito, kung minamalas nga naman oh. Asan na kaya si K, hopefully OK lang siya. My mind shifted to Trace nang tapikin niya ako.

"Oy, okay ka lang? Parang wala ka sa sarili mo Ken, may problema ba?"

"Ahm... Trace pwede ko bang hiramin yong phone mo? May tatawagan lang ako." inabot naman ni Trace ang phone niya sa'kin. Dinial ko ang number ni K, buti nalang at kabisado ko ito.

"Hello?" sagot ni K sa kabilang linya.

"K, si Kenneth to nanghiram lang ako ng cellphone ni Trace, deadbat kasi ang phone ko. Asan ka ngayon?"

"Ah Ken, actually nandito na ako sa bahay."

"Ah ganun ba. Sorry kung hindi na ako nakasabay sa'yo."

"Ok lang yun ano kaba."

"Ken halika ka na, magsisimula na ang firework display." tawag sa'kin ni Trace.

"Sige K, tinatawag na ako ni Trace bye."

"Bye." at inend na niya ang tawag.

Lumapit na ako kina Trace at tinignan ang mga makukulay na fireworks, but for some reason ay hindi ako nag eenjoy.

Pagkatapos naming manood ng fireworks ay naisipan na naming umuwi, kagaya ko hindi na nagdala ng kotse sina Trace, hassle daw. Kaya ngayon nag-aabang kami ng taxi na masasakyan namin.

"I told you guys na dapat dinala nalang natin ang kotse ni Levis, but both of you refuse kasi hassle & now look at us. Nakakairita na talaga." padabog na sabi ni Leizel.

"Leiz chill ka nga lang diyan." sagot na naman ni Trace.

Almost mga 30 minutes kaming naghintay at thank God may dumating na bakanteng taxi. Pinara na namin ito at sumakay na. Dahil sa pagod ay nakatulog ako buong biyahe.

Damion's POV

Nakarating na kami sa tapat ng bahay nina Audrey pero ang dalawa tulog mantika pa rin. Tinapik ko si Zack kaso ayaw talagang gumising. Lumabas na ako ng kotse at nagpahangin muna, hininhintay ko na lang gumising ang dalawang to. Habang nagpapahangin ako ay lumabas na naman sa isipan ko si Audrey. Why am I feeling this way? Bakit siya palagi ang lumalabas sa isipan ko. Dahil sa gulong gulo ako, ginulo ko ang buhok ko.

After 15 minutes ay tulog pa rin ang dalawa. Ginising ko si Zack kaso ayaw pa rin, kaya si Audrey na lang ang una kong gigisingin.

Binuksan ko ang pinto sa backseat at nadatnan kong nakahiga si Audrey. Gigisingin ko na siya ng madulas ako, buti nalang at nakahawak ang isang kamay ko sa sandalan ng upuan at yung isa ay sa sahig ng kotse kaya hindi ko tuluyang nabagsakan si Audrey.

Huminga ako ng malalim. Pagkalingon ko ay magkalapit na ang mga mukha namin ni Audrey, biglang uminit ang mukha ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Nakatitig lang ako sa mukha niya, maganda naman talaga si Audrey mabait pa, kung hindi nga lang galit. Ewan ko ba kay Zack at hindi niya napansin ang bestfriend niya at napakaloyal sa friendship nila.

Tuloy ko pa ring pinagmasdan si Audrey & her lips caught my attention. Nakatitig lang ako sa kanya nang biglang dumilat ang mga mata niya.

"Kyaaahhhh!!!!...." sigaw niya at sabay tulak sa'kin. Sa lakas ng tulak niya ay napalabas ako ng kotse plus na untog pa ang ulo ko.Napa-aray nalang talaga ako sa sakit.

Lumabas siya ng kotse at napansin kong namumula ang pisngi niya. Napangiti nalang ako, ang cute niya din kapag nagblublush siya.

"Demonyo ka talaga Demon!" sigaw na naman niya.

"Audrey, its not what you think, gigisingin lang sana kita kaso nadulas ako kaya naging ganun yung posisyon ko kanina, pasalamat ka nga at hindi kita natuluyang mabagsakan." pagpaliwanag ko sa kanya.

"Oh Drey, bakit bigla ka na lang sumigaw, may problema ba?" napatingin kami kay Zack na kakagising lang.

"Ah...wala yun Drakola, may nakita lang akong IPIS." May diin niyang pagakasabi at sabay tingin sa'kin. Ipis? Ako? Sa gwapo kong to? What the.

"Ipis? Eh, hindi ka naman takot sa ipis ah." sagot naman ni Zack.

"Eh kasi ano, ahmm... Yung lumilipad na IPIS ay malapit lumanding sa mukha ko kaya ako sumigaw." pagpapaliwanag ni Audrey at kagaya kanina diniinan na naman niya ang pagkasabi sa salitang ipis.

"Eh asan na yung ipis?" tanong ni Zack. What the. What kind of question is that. Napaka ingot talaga ng Fernandez na to.

Bigla nalang akong tinignan ni Audrey, so ako talaga ang tinutukoy niyang ipis. Now I know kung bakit bestfriend ang dalawang to, kasi pareho silang may deperensya sa mata.

Lumabas na si Zack ng kotse at ganun din si Audrey. Saktong may dumaan na nagtitinda ng balut. Bumili kami at pumunta muna sa park sa loob ng subdivision. Saktong may tatlong bakanteng swing kaya doon na kami nagsi-upuan. Pagka-upo namin ay tahimik lang kami, after a minute ay nabasag rin ang katahimikan nang magsalita si Zack.

"Drey naalala mo pa ba nong bata pa tayo." tinuro ni Zack ang slide. "Yong nagslide tayo tumapos tumilapon ka sa may putikan." sabay tawa ng malakas.

"Wow, parang hindi ka rin tumilapon ah, gaya-gaya kaya ang ending tumilapon rin." at tumawa rin si Audrey.

Nakikinig lang ako sa mga kwento nila, yung mga memories nila back when they were still young & fun stuffs they've done together. I know masasabi kong OP ako this time sa dalawang magbestfriend but I dont mind at all. Parang audience ako sa mga pinagkwekwento nila, all the time nakangiti lang ako. They sure are really close to each other, now alam ko na kung bakit neither of them would go beyond their friendship because that closeness & bond they are having right now is really worth it & for keeps. How I wish may bestfriend, kagaya ni Audrey, din sa buhay ko. Yung tropa lang, chill kasama, kung kasama mo ay mapapangiti ka nalang. She's one of a kind, she's special, very special, kaya grabe ang security ni Zack sa kanya.

Still, Im asking myself, hanggamg kailan ko ba pipigilan ang feelings ko para kay Audrey. Now, Im positive na may nararamdaman na talaga ako para sa kanya. I want to make her feel more special. I've dated a lot, but this is the first time that I've fallen really deep to someone.

The only question that is holding me back is, Damion are you willing to take the risk? Kaya ko bang isugal ang pagkakaibigan para sa pag-ibig?

…………………………………………………

Anong Team kayo?

Team Zack o Team Damion
Free to comment & dont forget to Vote


Still sorry for the errors & typos.

Kawaii_reader signing off 💖💖💖

Will Two Hearts, Beat For One Reason?Where stories live. Discover now