Chapter 13

170 14 0
                                    

Kenneth's POV

Hinuli na ako ng gising. Bumaba na ako nang makaramdam ako ng gutom. Pagkababa ko ay nadatnan ko si Kuya na kakatapos lang kumain at akmang lalabas na.

"Oh Kuya Kent, saan lakad mo?" tanong ko sa kanya.

"Oh gising ka na pala, pupunta lang ako sa Carnival. Nandon na rin si Kensha kasama mga kaibigan niya. Oh siya, aalis na ako, pakilock nalang ng gate kung aalis ka." at tsaka lumabas na siya.

Carnival? Oo nga pala, ngayon ko lang natandaan. Tinext ko na si Tracey para ayain siya sa Carnival.

"Trace, punta tayo sa carnival."

Wala pang ilang segundo ay nagreply na siya.

"Sorry Ken, pero nagprapractice ako ngayon, may rehearsal pa kasi kami mamaya. Sorry talaga."

"Ah ganun ba, sige focus ka lang dyan. Fighting✊✊✊. Kaya mo yan."

Kung minamalas ka nga naman oh. Huminga ako ng malalim. Buong araw nalang ako matutulog. Bumalik ako sa kwarto at humiga na, kinuha ko ang phone at naglaro. Hanggang sa madapuan ako ng boredom. Pupunta nalang ako sa Carnival kahit walang kasama. Tumayo na ako at nagtungo sa banyo para maligo.

Lumabas na ako ng bahay at hindi na nag-abalang magdala ng kotse kasi for sure puno na naman ang parking lot sa Carnival kagaya last year.

Pagkalabas ko ay nakita ko si Kyra na tinutulungan maglinis si Nanay Ailyn ng front yard nila. Nilapitan ko agad sila.

"Good morning K at Nanay Ailyn." bati ko sa kanila.

"Morning ka diyan, eh tanghali na nga oh, malapit ng mag-alas 11." sagot sa'kin ni Nanay Ailyn.

"Oh, asan ang lakad mo at parang bihis na bihis ka ah." sabi sa'kin ni K.

"Ah, sa carnival ang punta ko. Gusto mo bang sumama?"

"Carnival? May carnival na pala dito?"

"Oo, last year lang. Once a year lang nag-oopen ang carnival kay dinadayo ito. So ano, sama ka?"

"Nay, pwede po ba akong pumunta?"

"Sos, bakit naman hindi. Magbihis ka na at ako na ang bahala dito."

"Thankies po Nay. Wait lang Ken ha, magbibihis lang ako." at pumasok na si K sa bahay nila. Tahimik lang ako habang naghihintay kay K habang patuloy sa pagwawalis si Nanay Ailyn.
Nabasag ang katahimikan namin nang bigla siyang magsalita.

"Oh, bigla ka yatang napadalaw dito Kenneth."

"Ah, eh kasi..."

"Dahil ba kay Kyra. Naku Kenneth alam ko na yan pero huwag mong kalimutan na may girlfriend kana."

"Nay Ailyn naman oh, syempre mahal ko si Tracey at kaibigan ko lang po si K. Kinalimutan ko na kung ano yung nararamdaman ko para kay K noon." pero still I'm still confuse kung meron pa ba o wala na.

"Weh, sure ka? Base sa nakikita ko sa ngiti mo kay Kyra ay ibang-iba sa ngiti mo kumpara sa ngiti mo sa ibang tao."
Napahinto ako sa sinabi ni Nanay Ailyn.

"Ha?" yun lang ang lumabas sa bibig ko.

"Nakikita ko sa mga mata at sa ngiti mo na mahal mo pa rin ang alaga ko. Oh siya, may lilinisin pa ako sa. Alagaan mo alaga ko ha." at pumasok na siya sa loob ng bahay.

Kakaiba rin tong si Nanay Ailyn paminsan-minsan.

Kyra's POV

Matapos akong magbihis ay bumaba na ako. Pagkalabas ko ay nadatnan ko lang si Kenneth at it seems na may iniisip siya.

Will Two Hearts, Beat For One Reason?Where stories live. Discover now