Chapter 30

117 14 4
                                    

Audrey's POV

Naging tahimik kami ng ilang minuto at nang papatayin ko na sana ang tawag dahil baka tulog na siya nang bigla siyang magsalita.

"Drey, pwede mo ba akong kantahan ng lullaby?"

Napanganga ako sa sinabi niya.

"Seryoso ka ba? Ano na naman ba ang trip mo ha?!."

"Mukha ba akong nagbibiro. Sige na, magaling ka namang kumanta."

"Tche....matulog ka na nga lang diyan." at binaba ko na ang tawag. Anong problema ng Drakolang yun. Huminga ako ng malalim at bumalik ako sa pagtapos ng mga homeworks ko.

~~~

Natapos ko na ang mga homeworks ko. Naghilamos na ako, pagkatapos ay humiga na ako ng kama. Pipikit na sana ako ng maalala ko si Drakola, kaya bumangon ako at sinilip ko ang kuwarto niya, naka-off naman ang mga ilaw, baka nakatulog na 'yon. Bumalik na ako sa pagkahiga at natulog na rin.

Kyra's POV

I was eating breakfast nang bumaba si Couzie.

"Morning Couzie, breakfast tayo."

"Sa school na ako magbrebreakfast, salamat nalang K." at nagmamadali siyang lumabas.

I was about to take a bite nang bumukas ang pinto at bumungad ang pagmumukha ni Couzie.

"Oh Couzie, may nakalimutan ka?"

"Wala naman, may lalaki kasi sa labas, ikaw yata ang hinihintay niya."

"Huh?! Sino?"

"Hindi ko kilala eh, sige mauna na ako sa'yo." at tuluyan na siyang lumabas.

Sumilip ako sa bintana. OMG! Bakit nandito si Rovin? Great, just great, agang-aga sira na kaagad araw ko. Bumalik ako sa dining table at tinuloy ang breakfast ko. After kong kumain ay nag-ayos na ako sa kwarto, sumilip ako sa bintana, I saw him na cool na cool na nakasandal sa motor niya. Tche, , like hello, pwedeng umalis ka na panira ka ng araw. Tinagalan ko ang pag-aayos ko, for sure aalis at aalis din yan, he's Rovin, ayaw nyan na mainitan ng araw ang balat niya. But to my dismay, isang oras ang nakalipas but he's still here like what the fudge naman oh, malalate na ako neto. No choice alangan namang isasacrifice ko pag-aaral ko.

Pagkalabas ko ng gate ay binati niya agad ako.

"Good morning."

"Morning lang walang good. Bakit ka pala naparito?" I asked.

"Isn't it obvious, sinusundo ka. So let's go." he grabbed my wrist at pinasok na niya ako ng kotse niya, my ghadd, I haven't even answered na 'No thanks' at pinaandar na niya ang kotse.
~~~

Pagdating namin sa parking lot ng school ay agad akong lumabas ng kotse niya at lumakad na paalis.

Habang lumalakad ay, for the second time he grabbed my wrist.

"Ya! What do you think you're doing?"
he asked.

"I'm going to the room na. Why? Dapat pa ba akong mag-thank you?"

"After kitang sunduin para sabay na tayong pumasok and so that we can talk, tapos now you're heading there without me. Tsk. Unbelievable. What a waste of time."

"Wait. Bakit parang ikaw pa ang  galit? Dapat ako yun di ba kasi ako naman  tung nakarating dito, against my own will. Okay, first of all wala akong sinabing sunduin mo ako o hatid mo ako second ayaw kitang makausap ehh ayaw nga kitang makita di ba. And lastly, I have my car, and I can drive rin naman." I break free from his clench at lumakad na ako paalis.

Will Two Hearts, Beat For One Reason?Where stories live. Discover now