Chapter 33

129 12 2
                                    

Kenneth's POV

~~~Sinagot ko ang tawag ng phone ko at napangiti ako nung nakita ko ang pangalan niya sa screen.

"Hey Trace, how's your training diyan sa Cebu?" tanong ko.

"Everything is going well naman."

"Ehh..ikaw kamusta ka diyan?"

"I'm fine naman. Ahmmm... Ken there is something, I want to talk about."

"Oh, ano naman yun."

"Ahmm...ano kasi, tingin ko LDR is not working for the both of us. I think we should cool off for now."

"Huh?! Wait, Trace. You're not thinking through. Okay naman sa'kin ang sitwasyon natin."

"Cool off lang naman Ken. I just need some time and space for me to focus dito sa training ko.

"Trace naman,"

"Ken, please this is for the both of us."

"For the borh of us? Ehhh... Why are deciding without consulting or even bother to ask me about this?"

"Ahhmmm... Ken,cool off muna tayo." at inend call na niya.~~~

"Kuya, gising na."

Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Kensha.

"Hay.. Salamat at nagising ka na rin. Dinner is ready na."

"Sige-sige, susunod na lang ako."

"Okay." at lumabas na siya ng kuwarto.

I took a deep sigh.

Nagbihis muna ako bago bumaba para mag-dinner.

"What took you so long?" tanong ni Kuya sa'kin.

"Oo nga Kuya, ang hirap mong gisingin kanina." dagdag ni Kensha.

"Well, whatever it is, mamaya na yan. Halika ka anak para makapaghapunan na tayo." sabi ni Mama.

Tahimik lang akong kumakain while sila naman ay nagkwekwentuhan. I was spacing out nang biglang may tumapik sa'kin.

"Huh?...bakit po?" tanong ko kay Dad na tumapik sa'kin.

"I was asking you kung kamusta ang araw mo sa school. At kanina pa kita tinatawag, seems like wala ka sa sarili mo anak. May problema ba?" tanong ni Dad.

"School's fine, medyo masama lang po ang pakiramdam ko ngayon."

"May lagnat ka ba? Do you need some medicine?" tanong ni Mama.

"Nope, no need po. Can I excuse myself po, magpapahinga na po ako."

"Oh..okay, if you need anything, tawagan mo lang kami."

Tumango lang ako at nagtungo na ng kuwarto. Humiga na ako sa kama at pumikit and again I took a deep sigh.

Audrey's POV

Tahimik lang ako buong biyahe. Saan kaya ako dadalhin ng Demonyong 'to.

Patay ako nina Tito at Tita, kapag nalaman nilang nagcu-cutting ako.

"Hoy Demonyo! Saan mo ba akong balak dalhin?" bigla kong tanong sa kanya.

Ngumiti siya sa'kin. "Surprise. You'll know when we get there."

"Alam mo bad influence ka talaga noh. First time ko kayang magcu-cutting."

Hininto niya ang kotse at tumingin siya sa'kin. "Then you'll do all your firsts with me." at nagsmirk siya at nagpatuloy siya sa pagmamaneho.

Will Two Hearts, Beat For One Reason?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon