Chapter 40

107 11 1
                                    

Kyra's POV

"K, is it true?" finocus ko ang tingin ko sa bonfire and from my peripheral view ay tinignan niya ako.

I let out a sigh. "It doesn't matter naman diba." I looked at him and give him a smile.

"Why are you always like this? Bakit parang wala lang sa'yo? It matters K, kasi kung may nararamdaman ka sa'kin, then sana sinabi ko sa'yo na ikaw ang liligawan ko back then."

"Huh?"

"Funny thing is mahal kita, dati pa. And yung sinabi ko sayo na may liligawan ako, that was supposed to be you, kaso yun rin yung araw na nalaman ko na aalis ka."

"Ken you already have Tracey, maybe we're better off as friends nalang. You know what, this conversation is leading us nowhere, so mauna na ako sa cabin." tumayo na ako babalik na sana ng cabin nang bigla niya akong binakc-hug

"What if ayaw ko. What if ayaw kong maging kaibigan lang tayo, kasi simula't sapul naman ay you are more than that to me, mahal kita. And if you don't want to take the risk then I will. Let me have the chance na iparamdam ko sa'yo ang pagmamahal ko sa'yo"

"Ken, si Tracey. Ano iiwan mo nalang siya dahil sa'kin. It wouldn't be right for her kung ganun-ganun nalang yun." at tumakbo na ako pabalik ng cabin.

Audrey's POV

Nakaabot na kami ng Drakola sa may pintuan ng cabin. Iba din tong si Kenneth ha, alam niya naman na hindi kaya ng isang babae, na katulad ko, ang magbuhat ng ganito kabigat na lalaki. Umepal din eh, may pa-"K can we talk?" pa siya. Nalaman lang niya na may gusto rin sa kanya yung pinsan ko eh, nagka-interest kaagad. Ang manhid na masyado ah, obvious naman noon na may gusto si K sa kanya at may gusto rin siya. Kung nililigawan niya sana noon edi boom, sila na dapat ngayon. Haha pwes hindi sila pwedeng maging sila kasi may Tracey na si Kenneth, kawawa naman ang pinsan ko.

"A..a..no, alam m..o pare-pa..reho tayo sa sitwasyon ni..na K, or worst." ano naman ang pinagsasabi ng Drakola na'to.

Nang makapasok kami ng cabin ay pinaupo ko muna siya sa may upuan at tumungo muna ako sa may kusina para uminom ng tubig, ang bigat kaya ni Drakola.

Pagkalagay ko ng baso sa may lababo ay biglang may yumakap sa'kin.

"Drey, hindi mo ba rin ako mahal? Wala na ba talaga tayong chance? Bakit kayo na ni Damion? Wait, kayo na diba?"

Pumiglas ako sa pagkayap niya at hinarap siya. "Alam mo, lasing ka lang."

"Bakit, porke lasing hindi na totoo ang mga pinagsasabi."

"Oh, andiyan pala kayo, may narinig kasi akong boses kaya lumabas ak..o. Did I disturbed you guys?"

"Hindi naman. Warren Ahmm..pwede tulungan mo akong ihatid si Zack sa kwarto niyo."

"Sure thing."

At hinatid na namin si Drakola sa kuwarto at pinahiga na sa kama niya.

***

"Drey, hindi mo ba rin ako mahal? Wala na ba talaga tayong chance? Bakit sinagot mo na si Damion?"

Nagrereplay ang pinagsasabi ni Zack kagabi sa utak ko. Bumangon ako at ginulo ang buhok ko. Ano ba yung pinagsasabi niya kagabi, Aisshhh... Bakit ngayon pa na unti-unti ko nang nagugustuhan si Damion at tanggap ko na, na hanggang sa magkaibigan lang kami. Humiga ako ulit. Wait, huwag mong sabihin na naniniwala ka sa mga pinagsasabi niya. Lasing lang siya, diba ganun naman yun, kapag lasing ang isang tao kung ano-ano nalang ang pinagsasabi. Pinikit ko ang mata ko para makatulog na ulit kaso ayaw talaga ako tantanan ng utak ko, gumulong-gulong ako sa kama kaso, ayaw pa rin. Tuluyan na akong bumangon at lumabas, at nagtungo papuntang pantalan tutal madaling araw na, hindi na masyadong madilim.

Will Two Hearts, Beat For One Reason?Where stories live. Discover now