Chapter 18

163 15 5
                                    

Audrey's POV

Nasa counter ako kasama si Brenda Mae habang kumakain sina Yssa at Drakola sa table nila.

"Ganda naman ng babaeng kasama ni Zack. Kilala mo siya Audrey? Girlfriend ba siya ni Zack?" tanong ni Brenda Mae. Napaka chismosa talaga ng isang to. " Alam mo bagay sila, may chemistry." dagdag pa niya at buti nalang may customer na umorder kaya napunta dun sa customer ang atensyon niya.

Tumingin ako sa dalawa at nagtatawanan sila habang nagkwekwentuhan. Tama nga si Brenda Mae, bagay nga sila. Huminga ako ng malalim, wala-walang ako kumpara kay Yssa, siya na ang maganda, talented, mayaman, maputi at lahat ng good quality ng babae ay meron na siya. She is perfect for Zack, samantalang ako hanggang Bestfriend lang talaga, pero susuportahan ko pa rin sila, kasi pareho ko silang kaibigan.

Binaling ko ang atensyon ko sa mga umoorder na customer. Tinulungan ko rin si Brenda Mae sa pagseserve ng mga orders ng mga customer. Pagkatapos ay bumalik na kaming dalawa sa counter. Ilang minuto ay tumayo na sina Yssa at lumakad papunta sa kinaroroonan namin.

"Ah, Drey, mauna na ako ha, salamat pala sa pagkain." nagpasalamat pa ang mokong eh binayaran niya naman ang inorder niya.

"Ako rin Audrey ha, mauna na rin ako." at nagwave si Yssa sabay lakad palabas kasama si Drakola.

Pagkalabas ng dalawa ay nagsalita na naman si Brenda Mae.

"Feel ko magjowa na yung dalawang yun." sabay nguso sa kinaroroonan nila Yssa. "See they are exchanging numbers na, feel ko talaga may something na."

"Bagay naman sila, tapos pareho pa silang single, so wala namang masama dun diba." sagot ko sa kanya.

"True, kaya lang mas susuportahan pa rin kita para kay Zack."

Lumingon ako sa kanya at nagsmirk pa talaga siya ha. "Anong pinagsasabi mo diyan?" sagot ko sa kanya at tinaasan niya lang ako ng kilay. "Ewan ko nga sa'yo." at umiwas nalang ako ng tingin sa kanya.

"Alam mo masyado kang halata, eh namumula ka na oh." sabay turo niya sa mukha ko. "I know na may something ka kay Zack, & dont try to lie on my face sista cause boking ka na."

"Brenda Mae...ahmm... Halata ba masyado na...alam mo na." mahina kong sabi sa kanya.

"For me Oo, even sina Andrew at Jayboy ay nakakahalata na rin. Ewan ko ba diyan kay Zack, ang manhid masyado o sadyang may deperensiya sa hypothalamus. Alam mo Audrey normal namang magmahal eh." sabay pat niya sa balikat ko. "Hindi mo naman kayang pigilan ang nararamdaman mo, kusa lang yang tumitibok. Minahal mo siya pero hindi ka niya minahal pabalik so sorry nalang siya kasi normal ka at abnormal siya, nasa kanya ang deperensiya at wala sa'yo." pagkatapos niyang matapos ang wisdom speech niya ay pumasok muna siya sa kitchen para tawagin si Andrew.

Napangiti nalang ako sa sinabi ni Brenda Mae. Tama nga siya, na hindi ko kasalan kung nagmahal man ako. Huminga ako ng malalim. Kahit minsan may tupak sa ulo yan si Brenda Mae ay kahit papaano ay mahahalaga at magagandang laman pa rin ang ulo niya. Naputol ang pagmumuni-muni ko nang may magsalita.

"Ang sarap ng ngiti natin ngayon ah, dahil ba yan sa'kin."

"Anong ginagawa mo dito Demonyo?"

"Ganyan mo ba talaga binabati ang mga customer mo dito."

"Depende kung katulad mo sila. At hindi ka naman customer kasi hindi ka naman nag oorder, so bakit pa kita babatiin aber."

"Actually customer ako, dahil oorder ako. Ahmmm...isang choco marble frappe nga at waffle with syrup. Paki serve nalang ha doon sa may table three." Pupunta na sana siya sa table niya nang bumalk siya. "Wait I almost forgot, may wifi naman kayo dito diba. Anong password?"

Will Two Hearts, Beat For One Reason?Where stories live. Discover now