Chapter 37

116 12 6
                                    

Kyra's POV

"Okay, class dismissed." sabi ng proof ng last subject namin.

Nilagay ko na ang mga gamit ko sa bag ko at lumabas na ng classroom.

I was heading to the parking lot habang nagscro-scroll lang ng kung ano-ano sa newsfeed ko. I stopped scrolling nang may mapansin akong isang post. It was a post sa freedom page ng school namin and the photo contains Couzie and Damion hugging and the caption says Say HI to the new Couple. Wait, Couple? So sinagot na ni Couzie si Damion, but hindi man lang nabanggit ni Couzie na sasagutin niya si Damion. Anyways, I'm happy for them.

Nakarating na ako ng parking lot nang maalala ko na hinatid pala ako ni Tatay Jistin this morning ba't pa kasi ako dinapuan ng katamarang magdrive. Paano na ako makakauwi nito.

"There you are. Kanina pa kita hininhintay. Let's go na."

Lumapit siya sa'kin and hold my wrist. Hinila niya ako papunta sa kotse niya then he opened the door of the front seat. Okay, masanay na ako sa kabrutalan ng isang to, plus hindi ba siya marunong manghingi nga sagot ko bago niya ako kaladkarin.

"Pasok na, hatid na kita." then he smiled, do I have a choice.

Pumasok na rin siya at pinatakbo na niya ang kotse niya.

Audrey's POV

Nasa hallway ako at pauwi na nang makita ko si Yssa.

"Yssa!" tawag ko sa kanya.

"Oh, Audrey." at lumapit siya sa'kin. "Uuwi ka na?" tanong niya.

"Oo, ikaw, uuwi hindi ka pa uuwi?"

"Nope, I'll have my practice pa."

"Aahh...ganun ba. Sha nga pala, nakita mo ba si Drakola? Sabi kasi ni Crizel na pumasok siya, for sure nagcutting ang mokong ng walang pasabi."

"She didn't tell you na, may sakit si Zack."

"Hindi, wait, may sakit siya?."

"Yes, fever actually. Hinatid ko siya sa clinic kaninang umaga, and I was about to visit him during lunch time but the nurse said na lumabas na siya. Akala ko pumasok na siya after that."

"Bakit naman nagka-fever ang mokong na yun? Baka gusto lang niyang hindi pumasok kaya ganun."

"Actually he really has a fever, Audrey. He was waiting for you daw last night at naulalanan siya. By the way, he said na hindi ka raw sumipot, bakit hindi mo siya sinipot kagabi?"

"Pumunta naman ako ng treehouse kaso pagdating ko wala na siya. Gabi na rin kasi ako nakauwi.Alam mo ba kung ano ang sasabihin niya."

"It's better kung siya ang magsabi sa'yo. By the way, I have to get going na. Bye." nagwave siya sa'kin at umalis na.

Ano ba kasi ang importanteng sasabihin niya. Okay lang ba siya? Gaano ba ka-importante ang sasabihin niya at hinintay at nagpaulan pa siya. Huminga ako ng malalim, Drakola naman oh.

"Oh, Audrey, uuwi ka na? Hatid na kita. Bakit parang tulala ka ata."

"Huh?! Ah Damion. Salamat pero kaya ko nang umuwi mag-isa."

"No, I insist, hatid na kita. Let's go. Akin na yang briefcase mo, ako na ang magdadala."

"Huh?! Hindi, kaya ko naman."

"Akin na." kinuha niya ang briefcase at nginitian niya ako.

Hindi na talaga ako sanay sa mga ganito.

Will Two Hearts, Beat For One Reason?Where stories live. Discover now